Advertisers

Advertisers

Covid update: 6,686 bagong kaso; 3,190 gumaling; 196 nasawi

0 463

Advertisers

NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 6,686 na karagdagang kaso ng COVID-19 nitong Biyernes, Hunyo 11.

Samantala ay mayroon namang naitalang 3,190 na gumaling at 196 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.7% (61,345) ang aktibong kaso, 93.6% (1,216,497) na ang gumaling, at 1.73% (22,507) ang namatay.



Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong Hunyo 9, 2021 habang mayroong 3 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 3 labs na ito ay humigit kumulang 0.27% sa lahat ng samples na naitest at 0.38% sa lahat ng positibong mga indibidwal. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">