Advertisers

Advertisers

P1-B SHABU HULI SA 2 TSEKWA!

0 330

Advertisers

UMABOT sa 155 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit P1 billion ang nasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) sa magkasunod na operasyon nitong Linggo sa Paranaque City at Imus, Cavite.

Sa unang buy-bust operation, kinilala ni PDEA Director General Wilkins Villanueva ang nadakip na si Zhizun Chen, 38 anyos, may-asawa, auto supply staff at residente ng Tower 2 Soler Street, Binondo, Manila.

Sa ulat, 3:30 ng hapon nang isagawa ang drug operation sa S&R open parking lot, Barangay Baclaran, Paranaque City.



Isang ahente ng PDEA ang bumili ng isang kilong shabu kay Chen na nagkakahalaga ng P6.8 milyon at nang magkaabutan ay dinakma na ito ng mga operatiba.

Bukod sa isang kilong shabu, nasamsam pa kay Chen ang 37 kilos pang shabu na nagkakahalaga ng P251 milyon, isang Maroon Mitsubishi Lancer (WFG 362) at Silver Chrysler (WIV 952) at cellphone na gamit sa pakikipagtransaksyon sa mga parokyano.

Samantala, 4:00 ng hapon nang madakip naman si Jose Baluyot Wong na may Chinese name na Manluok Wong nang kumagat sa buy-bust operation ng PDEA at PNP sa Villa Nicacia, Tanza Numa 6, Aguinaldo Highway, Imus, Cavite.

Narekober mula kay Wong ang 117 kilos ng shabu, Toyata Corolla (TPF 197), Mazda CX-5 (NCU 5075, Nissan GTR (F2P 235) at android cellular phone.

Nakapiit na ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa RA9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Gaynor Bonilla/Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">