Advertisers

Advertisers

Indigent Pinoys maaari nang bakunahan vs COVID-19 mula sa COVAX – DOH

0 213

Advertisers

SINABI ng Department of Health (DOH) nitong Lunes na maaari nang bigyan ng mga local government units (LGUs) ng COVID-19 vaccines mula sa COVAX Facility ang mga indigent Filipinos, na bahagi ng A5 priority sector, kung mayroon silang sapat na suplay ng bakuna.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, pinahintulutan na rin ng World Health Organization (WHO), na siyang nangunguna sa vaccine-sharing initiative, na magamit ang mga naturang COVAX jabs sa mga indigents, bilang karagdagan sa mga health workers, senior citizens, at persons with comorbidities.

Binigyang-diin ni Vergeire na ang pagbabakuna sa mga indigents laban sa COVID-19 ay dapat na strategic dahil kulang pa rin ang suplay ng bakuna sa bansa.



“Alam naman po natin, hindi pa ganoon kadami ang ating supply. Ito (vaccinating A5) naman ay allowed na, pero it will depend on the supply,” paliwanag pa ni Vergeire, sa isang online press briefing.

“So if local governments, nakikita nila na kaya na base sa kanilang allocations, then they can do it naman because guidelines are there, [the WHO] pronouncement is there, wala po tayong iva-violate,” dagdag ni Vergeire.



Matatandaang una nang nagbabala ang WHO na maaaring ma-jeopardized ang suplay ng COVID-19 vaccines sa Pilipinas, mula sa COVAX, kung hindi masusunod ang prioritization list.

Ipinaliwanag ni Vergeire na ito ang dahilan kung bakit ang mga bakuna na mula sa COVAX ay hindi maaaring gamitin sa essential workers o sa A4 priority group.



Inutos na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paggamit ng Pfizer vaccines mula sa COVAX sa indigent population. (Andi Garcia)