Advertisers
SUPORTADO ni Senador Aquilino “Koko” Pimentel si Sen. Manny Pacquiao sakaling tumakbo ito sa pagkapangulo sa 2022 elections.
Sinabi ni Pimentel, bilang member at officer ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) ay hindi siya mag-aatubiling suportahan si Pacquiao kapag tumakbo ito sa pagkapangulo ng bansa.
Naniniwala si Pimentel na naghahanda na si Pacquiao na siyang PDP-Laban president sa posibilidad na pagtakbo sa pagkapangulo.
Dagdag pa nito, na iba’t-ibang sektor ng gobyerno na rin ang nagpahayag ng suporta kay Pacquiao.
Giit pa ni Pimentel, kung talagang interesado ang boxing senator na tumakbo sa pagkapangulo ay dapat ay magdeklara na ito sa Agosto o Setyembre.