Advertisers

Advertisers

‘No mask Christmas’ posibleng makamit – OCTA

0 238

Advertisers

PANATAG ang mga eksperto na makamit ang “Maskless Christmas” sa bansa ngayong taon kung magkakaroon ng herd immunity sa NCR Plus areas na binubuo ng Metro Manila, Pampanga, Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal, Metro Cebu at Metro Davao.

Sinabi ni OCTA Research member at University of Santo Tomas biological sciences professor Father Nicanor Austriaco, kailangan ng bansa ng 33 milyon doses ng COVID-19 vaccine para mapigilan ang virus at ang 52 milyon na doses naman ay para makamit ang herd immunity 40 hanggang 50% ng populasyon ng NCR Plus.

Batay din sa kanilang ginawang kalkulasyon na kapag mayroong 250,000 katao ang nababakunahan sa isang araw ay mapipigilan ang virus sa Oktubre at makakamit ang herd immunity sa Nobyembre.



Para makamit ang pagpigil ng virus ay dapat nabakunahan na ang nasa 45 percent ng populasyon ng NCR Plus eight o nasa 16.65 milyon katao.

Kaya naman kailangan umano ng 33.5 milyon doses ng bakuna at para makamit din ang herd immunity ay dapat mabakunahan ang 70 percent ng populasyon sa NCR Plus.



Kumpiyansa si Presidential Spokesperson Harry Roque na madaling makamit ang no-mask Christmas kung saan mayroon ng mahigit 5.5 milyon Filipino na ang naturukan ng bakuna at mahigit dalawang milyong katao na ang naturukan ng COVID-19. (Josephine Patricio)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">