Advertisers

Advertisers

Testing at Quarantine protocols sa mga Pinoy mula abroad niluwagan na

0 244

Advertisers

KINUMPIRMA ng Malakanyang na niluwagan na ng gobyerno ang testing at quarantine protocols sa mga Filipino na galing sa ibang bansa pero fully vaccinated na kontra COVID-19 sa Pilipinas.

Saad ni Presidential Spokesman Harry Roque, magiging epektibo ang pitong araw na quarantine period sa mga Filipino na galing sa ibang bansa sa Hunyo 22.

Batay sa naunang panuntunan ng Inter-Agency Task Force, ang mga Filipinong nakakumpleto na ng bakuna at lalabas ng bansa ay kinakailangan na bitbit ang vaccination card.



Bago pa man bumiyahe sa ibang bansa, kinakailangan na verified na ang vaccination card para kapag bumalik ng bansa ay ipi-presenta na lamang sa Bureau of Quarantine para sa verification.

Pitong araw na sasailalim sa facility based na quarantine ang mga Filipino na uuwi sa bansa.



Kailangang i-monitor ng BOQ ang mga umuwing Filipino sa loob ng pitong araw. Kapag may nakitang sintomas, saka pa lamang isasailalim sa RT-PCR test. Kapag nagpositibo dadalhin ito sa isolation facility.

Sa oras na makumpleto ang pitong araw na quarantine at walang nakitang sintomas, iisyuhan ito ng BOQ ng quarantine certificate kung ano ang vaccination status nito. (Josephine Patricio)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">