Richard napurnada ang pagbibida sa teleserye sa pag-alis ni Bea sa Dos; Julia ‘yes’ agad ‘pag inaya na pakasal ng ayaw pangalanang dyowa
Advertisers
Ni JOVI LLOZA
NAGING busy na nga si Richard Gutierrez nang isalang na ito sa long running serye ni Coco Martin na Ang Probinsiyano.
Pero dapat pala ay magkakaroon ng solo serye ito na siya talaga ang bida.
May working title na umano ito na Kahit Minsan Lang with leading lady sana for the first time na si Bea Alonzo.
Hindi na nga ito natuloy dahil lumipat na ng network si Bea. Isa dati sa mga dahilan ni Bea noon sa Kapamilya na ayaw nitong magtrabaho dahil sa killer virus lalo na nga uso na ang lock in taping.
Hanggang sa tuluyan na nga na hindi na tinapos ni Bea ang nasabing serye dahil sa takot sa Covid-19.
Kaya malabo na nga ang pagbibida ni Richard with Bea at ang malinaw ay ang project na gagawin ng aktres with Alden Richards. .
Nanghihinayang mang wala na at nasa Kapuso na ang actress kaya malabo na ang pagbibida ni Richard.
Kaya naman ‘di maialis na may hinampo ang followers ni Richard kay Bea sa pagkakaudlot ng pagbibida sana sa serye ng anak ni Bisaya.
Buti daw at naisama ito sa serye ni Coco na may mahalagang role.
***
ISANG tumataginting na ‘Yes’ ang sagot ni Julia Montes if ever aalukin na itong pakasalan ng lalaking nagpapasaya sa kanya ngayon.
Pina-private man ni Julia ang personal life eh alam naman ng netizens kung sino ba ang lalakeng nagpapasaya sa kanya.
Sa mga post nito lately ay si Coco Martin naman ang lalake na alam ng netizens na nali-link dito noon pa.
Pero wala namang inamin si Julia kung sino ba ang lalakeng nagpapaligaya sa kanya ngayon.
Eh ano naman daw kung sila na talaga ni Coco, ano naman ang care ng iba riyan na may anak na sila at ano ang paki nila kung nagsasama na sa iisang bubong sina Coco at Julia.
Sa kabila noon ay napaka-pribado pa rin ang peg ni Julia sa isang panayam eh alam na naman ng netizens na si Coco ‘yun.
Well, well, well…’Yun na!