Advertisers

Advertisers

Binistong hiwalay na ang mag-asawa… Robin ok lang mambabae ang manugang na si Aljur, ‘wag lang saktan ang anak na si Kylie

0 265

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

PAGKATAPOS ng naging rebelasyon ni Robin Padilla na hiwalay na ang kanyang anak na si Kylie at ang mister nitong si Aljur Abrenica sa vlog ni Ogie Diaz, maraming netizen ang nag-react.

Sey kasi ni Robin, naniniwala raw siyang may third party na involved sa hiwalayan ng dalawa.



Hinggil naman sa isyu ng third party, siya raw iyong  tipong “cool” lang pagdating sa ganitong mga usapin.

Aniya, dahil lalake si Aljur, natural lang na minsan ay may mga babaeng umaali-aligid dito at minsaý matukso.



Natural lang daw iyon sa isang lalake dahil naranasan niya mismo ito.

“Wala ‘tol, cool ako dun. Cool ako. Di ako naniniwala na merong lalaki na makatatanggi sa tukso,” sey ni Robin kay Ogie.



Inusisa pa ni Ogie si Binoe kung nag-apologize sa kanya si Aljur hinggil sa pangyayari.

Hirit niya, hindi na raw kailangan basta ang babala lang daw niya rito noon pa ay huwag sasaktan nang pisikalan si Kylie.

“Ah wala, di na kailangan. Ang baduy nun, pare. Mag-sorry ka kung sinaktan niya ng pisikal kasi iba yun. Ha-hunting-in kita, Aljur. Wag mong gagawin sa anak ko yun. Hindi ko sinaktan yang batang yan, wag mong gagawin yun pare. Pero yun mga ganyang babae babae, natatawa pa ako diyan,” paliwanag ni Robin.

Tinanong din ni Ogie kung hiningi ni Kylie ang kanyang tulong para kausapin si Aljur hinggil sa kanilang naging hiwalayan.

Aniya, wala raw iyon sa ugali niya.

“Ay hindi rin ako papayag pag sinabi sakin ni Kylie. Anong sasabihin ko dun kay Aljur? ‘Ba’t ka nambabae?Eh anong sasabihin sakin ni Aljur? ‘Ba’t kayo Pa? Hindi ba kayo nambabae?’ Ayokong masagot nun. Ayoko, ayoko, mapapahiya ako dun,” hirit ni Robin.

Dagdag pa ni Robin, naniniwala siyang walang makaka-solve ng problema ng mag-asawa kundi sila ring dalawa.

“Walang pwedeng umayos niyan kundi kayong dalawa. Kasi makikialam tayo, pipilitin natin yung dalawa. Magsasama ngayon yung dalawa dahil sa atin, eh kung magka-pisikalan yan. Sino ngayon ang mag-aaway pagkatapos niyan? Tayong dalawa lang. Gusto mo ba akong kaaway? Yun lang naman yun eh. Hindi, kasi ayoko nun. Ayokong maging magkaaway tayo, yun lang naman ang point ko. Kasi sila lang mag-aayos niyan ‘tol. Ako, cool akong tatay eh,” agtatapos ni Robin.