Advertisers

Advertisers

Diskwento sa mga bakunado, inaprubahan na sa Caloocan

0 251

Advertisers

GOOD News para sa mga fully vaccinated Caloocan redidents dahil aprubado na ng Sangguniang Panlungsod ng Caloocan ang resolusyong hihikayat sa mga business establishments na magbigay ng diskwento.

***

Nakarating sa kaalaman ng Usapang HAUZ na pinagtibay na ng Sanggunian ang Proposed Resolution no. 11-570 na inihain ni Coun. Orvince ‘ConVINCEd’ Howard Hernandez kasama sina Couns. Vincent Ryan Malapitan at Majority Leader Edgardo Aruelo, ang huhusay nyo mga konsi sana all.



***

Alinsunod sa resolusyon, hinihikayat ang mga local business na magbigay ng diskuwento sa mga produkto at serbisyo sa mga nakakumpleto na ng bakuna laban sa COVID-19.

***

Sa kanyang sponsorship speech, sinabi ni Hernandez na noon pang Marso nagsimula ang lokal na pamahalaan sa pagbabakuna sa mga residente ng lungsod upang unti-unting maibalik sa normal ang pamumuhay.

***

Sa loob ng apat na buwan, salaysay pa ni Hernandez, halos kalahating milyon pa lamang ang nabakunahan mula sa 1.1 milyong Caloocano.



***

Sa kasalukuyuan, may iilang business establishments na ang kusang-loob na nagbigay ng diskuwento sa mga bakunadong customer.

***

Subalit aminado ang Milenyal na Konsehal na kailangan pa ng ibayong pagsisikap upang mas marami pa ang mahikayat na magpabakuna gayundin ay upang bumalik sa 2nd dose ang mga nabigyan na ng 1st dose.

***

Ibinida ni Hernandez na sa kanilang Facebook account ay isa-isang pinagsasalita o pinagagawa ng video ang ilang SK Chairmen, Barangay Officials o HOA officers upang makahiyakat ng mga kababayan sa pagpapabakuna.

***

Nilinaw naman ng Millennial Councilor na hindi oobligahin ng lokal na pamahalaan ang business establishments sa takdang diskwentong ibibigay at sa halip ay hihikayatin silang gumawa ng sariling gimik.

***

Paliwanag pa ng Mambabatas este councilor pala pagkakataon na rin ito para obligahin ng mga may-ari ng negosyo ang kanilang manggagawa para magpabakuna lalo na ang mga itinuturing na essential workers.

***

May pakiusap ang pwede ng maging mambabatas sa mababang kapulungan sa 2022 konsi Vince sa mga mamamayan ng Caloocan na ang ginagawa nilang pangungumbinsi sa pagbabakuna ay dapat tumulong rin silang mangumbinsi.

***

Abangan sa susunod dito pa rin sa Usapang HAUZ ang tila pagtanggi ni Marikina Mayor Marcy Teodoro sa proyektong Mega Dike na siyang magbibigay lunas sa malawakang pagbaha ayon kay Congressman Bayani Fernando..

***

Anumang Reaksiyon, Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com or mag Txt o tumawag sa 0935-2916036

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More