Advertisers

Advertisers

Bakit palpak si Leni?

0 25,180

Advertisers

PINANGANGATAWAN namin na palpak si Leni Robredo. Pinaninindigan namin ang aming kuro-kuro na hindi kaya ni Leni na mamuno sa puwersa ng oposisyon kontra sa gobyerno ni Rodrigo Duterte. Hayaan ninyo na ipaliwanag namin.

Si Leni Robredo ang mukha ng oposisyon mula noong nanalo siya bilang pangalawang pangulo noong 2016.Dahil siya ang naging chair ng Liberal Party , ang dating lapian na nasa poder bago nanalo si Rodrigo Duterte, inaasahan si Leni na mamuno sa hanay ng oposisyon sa bansa. Inamin minsan ni Leni a sumapi ang maraming kasapi ng Liberal Party sa naghaharing koalisyon ni Duterte dahil sa biyaya.

Mga tanong: May ginawa ba si Leni upang maawat ang paglipat ng mga kasapi ng Liberal Party sa naghaharing koalisyon? Gumawa ba ng paraan upang palitan ang mga nangawala sa Liberal Party? Nangalap ba siya ng mga bagong kasapi na pamalit sa mga nawala?

Advertisers

Hindi gumalaw si Leni upang palakasin ang Liberal Party. Nanatiling malamig si Leni sa nakalipas na limang taon sa lapian pulitikal na nagdala sa kanya upang maging pangalawang pangulo ng bansa. Walang plano, walang programa, at walang malinaw na direksyon kung paano muling palalakasin ang Liberal Party upang makabangon.

Nakita ang kahinaan ng Liberal Party at ang kawalan ng loob ni Leni nang matalo ang walong kandidato ng Otso Diretso sa halalan sa Senado noong 2019. Nang magkaroon ng pitong oras ng pagkabalam ng pagbilang ng mga boto, o ang tinawag na “seven-hour glitch,” hindi nakita si Leni na gumitna sa gitna ng dayaan at tumutol.

Iniwan ni Leni ang mga kandidato ng Otso Diretso na walang nagawa kundi tanggapin ng ganoon lang ang kanilang pagkatalo. Bilang pinuno ng Otso Diretso, walang nakita na liderato si Leni. Hindi siya nagpakita ng matinding pagtutol.

Ikinuwento sa amin ng ilang kaibigan sa oposisyon na hindi ginabayan ni Leni ang Otso Diretso. Sa mabibilang sa daliri na pulong ng mga kandidato, hindi nagbaba ng mga gabay o direktiba si Leni kaya sumabog ang kampanya. Nagkanya-kanya ang mga kandidato lalo na sa pagtatapos ng kampanya. Nilunok ng mga kandidato ang kanilang pagkatalo sa paniwala na makakabawi sa 2022. Paano makakabawi kung wala paghahanda sa 2022?

Sinariwa ng mga kaibigan ang mga alaala ng kampanya ng Otso Diretso. Sa unang bahagi, masigla ng kampanya at palaging binabanggit ni Leni sa campaign rally ang pangalan ni Mar Roxas na huling kabit sa walong kandidato. Nang nakita ni Leni na walang panalo si Mar Roxas at pabigat siya sa kampanya. Humiwalay ng kampanya si Leni.

Humiwalay ng kampanya si Mar Roxas at hindi sumama sa tiket ni Leni. Halos hindi na siya nangampanya. Sa mga nakakaalam, nakita nila ang tunay na pagkatao ni Leni. Hindi siya ang “santa” o “budhi” ng oposisyon. Hindi siya nalalayo sa ibang pulitiko.

Ingrata si Leni. Nakalimutan na si Mar Roxas ang dumampot sa kanya sa kawalan at tumulong na manalo siya. Siya ang pumondo sa kanyang kampanya kaya nagkaroon siya ng kakaibang lakas para talunin si Bongbong Marcos at iba pang kandidato. Hindi ito alam ng maraming nilalang, kasama na ang kanyang mga panatiko sa puwersa ng oposisyon.

Hindi ganap na kabilang sa puwersang dilaw si Leni Robredo. Hanggang maaari, ayaw niya na mapabilang sa pwersang dilaw kahit marami sa kanyang panatiko ay maituturing na dilawan. Hindi siya nagsusuot ng damit na dilaw sa mga okasyon ng oposisyon. Palaging damit na puti ang kanyang suot. Hindi siya naiiba kay Grace Poe.

Hindi siya dumalo o sumuporta sa ilang okasyon publiko ng oposisyon. Hindi siya nakita sa malaking pulong ng Tindig noong 2018. Hindi siya sumumta sa anumang mass action kontra sa pagsibak kay Chief Justice Ma. Lourdes Sereno ng Korte Suprema. Hindi siya nagbigay ng suporta sa kampanya laban sa malawakang patayan kaugnay sa madugo ngunit bigong digmaan kontra droga.

Kasama siya sa mga pulitikong nasa oposisyon na natakot noong nagharap ng sakdal sina Sonny Trillanes at Gary Alejano na crimes against humanity sa International Criminal Court (ICC) laban kay Duterte, Dick Gordon, Bato dela Rosa, Jose Calida, Alan Peter Cayetano, at iba pa. Ninerbiyos si Leni na madamay ang ibang lider oposisyon at sa posibilidad na paghigantihan sila ni Duterte. Liderato ba ito?

Dahil sumulong ang sakdal, nagsassalita na si Leni tungkol sa mga EJK. Kailangan linawin na sa panahon na kailangan ang kanyang tinig dahil sa dami ng mga pinapatay na ang batayan ay sangkot sila sa droga, pinili ni Leni na manahimik at huwag magsalita. Hindi siya dapat bigyan ng kredito sa kanyang paninindigan sa mga EJKs.

Advertisers

***

BALITA: Fr. Albert Alejo said should someone nominate Pacquiao, the boxer and lawmaker would be asked if he is willing to submit to the selection process of 1Sambayan. If he agrees, the coalition will interview and screen him according to their criteria.

Akala namin nominado na si Mane. Hindi pa naman pala. Pakulo lang ito. Mahihirapan siya na makakuha ng nominasyon sapatkat hinatulan na siya na hindi siya totoong oposisyon. Hindi siya tatanggapin ng puwersang demokratiko na nasa ilalim ng 1Sambayan.

***

QUOTE UNQUOTE: “ The Duterte gov’t doesn’t celebrate our 2016 arbitral win, but many Filipinos do. That’s what matters most. We know the traitors.” – PL, netizen

“It’s Joey Salceda whom we should ignore. He changes his political color at the mere flick of the fingers. Unprincipled. It’s all politics of me for this trapo.” – Archie Mendoza, netizen

“Sitwasyon sa Pinas: Limitado ang mass testing; halos walang contact tracing; at wala pang 5% ng populasyon ang may bakuna. Paano?” – PL, netizzen

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More