Advertisers

Advertisers

Dati nabiktima raw ng taong ahas… Alice malas sa mall, nadukutan naman ng celfon

0 213

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

NAGBAHAGI ang aktres na si Alice Dixson ng kanyang hindi makalilimutang karanasan na naganap kamakailan.

Nadukutan daw siya sa isang mall sa Greenbelt habang nagsho-shopping.



Modus operandi raw ito ng apat hanggang anim na babae na binangga siya ng dalawa habang sinasalisihan naman siya ng iba.

Ang nawala raw sa kanya ay ang kanyang cellphone na naglalaman ng kanyang photos at videos.



Paliwanag pa niya, nai-report na raw ang nasabing pangyayari at iniimbestigahan na.

Dahil sa unfortunate incident na ito sa aktres,  hindi napigilang mag-react ng netizens.



Hirit ng iba, may signos daw o malas ang aktres sa mall.

Matatandaang naging urban legend noon ang umano’y pagiging biktima ni Alice ng taong ahas sa Robinsons noong dekada 90.

Heto ang ilan sa kanilang komento.

“Dati nahulog sa dressing room dahil may nagkagustong ahas. Ngayon, pickpocket naman. May malas talaga sya sa mga mall, ano?”

“At least, hindi taong-ahas. Lels!”

“Laging may unforgettable experience sa mall si Ate Alice”

“Kahit sa Safety Greenbelt Hindi na nahihiyang magpunta mga dugyot!

“Ang dadami talaga mandarambong ngayon dahil sa hirap ng buhay kaya dapat triple ingat mga baks!”

“Omg bat ang dami bigla sa Greenbelt? Yung friend ko rin sa escalator pababa ng parking ng mall nakuhaan ng wallet same nakita rin sa cctv na group sila. Kunwari nagmamadali lang babanggain ka tapos yun na. This happened mga 2 months ago lang. Ingat tayo for sure lilipat ng mall tong mga to kase na news.”

Si Alice ay gaganap na isa sa mga asawa ni Dennis Trillo sa GMA-7 teleseryeng Legal Wives.