Advertisers
Ni JOVI LLOZA
WALANG dapat ipaliwanag si JM De Guzman sa pagkaka-link nito sa actress na si Kylie Padilla.
Dahil sa tattoo ay nailigtas at nalinis ang namesung ni JM. Sa blog ex gf ni Joem Bascon na si Crisha Uy ay kausap nito si JM.
Tinanong ito kung nami-miss mo na kung ilang beses tinanong ni Crisha kay JM.
Sumagot naman ang aktor ng “sino?” sabay sagot naman ni Crisha na “ako!”
Nilapitan ng aktor si Crisha pero naputol ang bidyo na di alam kung ano nga ba ang gagawin ni JM sa paglapit nito kay Crisha.
Napaisip tuloy ang mga netizen na baka sila na nga at puwedeng hinalikan ni JM si Crisha na haka-haka ng mga netizen na nagtataka na biglang naputol ang vlog.
Pero ang magkukumpirma naman na may relasyon ang dalawa ay itong tattoo sa kanang braso ni JM.
Gulantang ang netizens dahil ang maka-tattoo sa braso ni JM ay may initials na CU.
Ugma naman ang CU sa pangalang Crisha Uy kaya alam na this.
At dahil sa tattoo na ‘yun ay nailihis na ang pangalan ni JM na nag-uugnay kay Kylie na third party daw sa hiwalayan sa mister nito na si Aljur Abrenica.
***
KAHIT nga itinatanggi ni Heaven Peralejo na siya ang third party sa hiwalayan nina Kiko Estrada at PBB Devon Seron, hindi naman nagsisinungaling ang mga viral photo nila na magkasama at kampante sa isa’t isa.
Madalas nga raw maispatan sina Heaven at Kiko sa Airport, Boracay etc. May nakakita rin na magka-holding hands ang dalawa.
Pero nanatiling tikom ang kanilang mga bibig hinggil sa namumuo nilang relasyon.
Kaya naman palaisipan sa netizens ang real score ng dalawa.
Mas minabuti ng magdyowa na manahimik kaysa magsalita pero wala pa naman opisyal na anunsiyo na sila na nga.
Well, well, well…’Yun na!