Advertisers

Advertisers

Olympic gold medalist Hidilyn Diaz ‘di interesado sa govt. post

0 266

Advertisers

NILINAW ni Olympic gold medalist Hidilyn Diaz na wala siyang balak na tumakbo sa anumang posisyon sa gobyerno.

Iginiit ito ni Diaz matapos siyang sabihan ni Pangulong Rodrigo Duterte na isa ng political stock.

Para kay Diaz, mahirap maging public servant dahil marami ka pang dapat matutuhan at marami rin ang umaasa ng iyong magagawa.



Subalit sinabi nitong tutulong siya sa ating mga kababayan sa kaniyang sariling pamamaraan.

Gayunman, hindi na nito idinetalye ang kaniyang mga plano.

Ibinahagi naman ni Diaz ang pagnanais na makasali sa paparating na South East Asian (SEA) games at sa Weightlifting World Championship sa mga susunod na buwan.