Advertisers
Ni GERRY OCAMPO
KUNG pagbabasehan ang mga larawan ni Nadine Lustre sa Siargao ay tila nag-e-enjoy ito sa pamumuhay sa naturang lugar. Nandoong naglalakad ito na nakapaa lang tulad ng kanyang rumoured boyfriend na madalas din makita sa mga larawan na nakapaa.
Tila naka-adopt na si Nadine sa pamumuhay sa Siargao kaya comfortable na ito naglalakad na nakapaa. Maging sa pagsakay sa motor ay nakapaa pa rin siya. Makikita rin sa larawan na bumibili ng tinapay si Nadine at boyfriend sa isang bakery.
May naaliw sa larawan na makikita dumalo ang dalawa sa birthday party ng isang taga-Siargao. Hindi basta maiimbitahan sa isang party si Nadine at ang maganda pa ay walang problema kay Nadine sa mga picture taking.
Maraming netizen lang ang nakapansin kay Nadine na walang suot a face mask sa lahat ng pinupuntahan nila ng non-showbiz boyfriend.
Samantalang may nakatakdang project ang Viva Films kay Nadine na ididirek ni Yam Laranas. Game naman si Nadine na maidirek siya ni direk Yam. Nangangahulugan lang na magbabalik pelikula na si Nadine at ang dapat lang niyang gawin ay magbalik ng Manila at lisanin ang Siargao.
***
NAGLULUKSA ang mga nakatrabaho ni Mahal sa pagkamatay nito.
May mensahe ang mga artistang nakasama at nakatrabaho ng yumaong si Noemi Tesorero o mas kilalang si Mahal sa huling teleserye nitong nagawa sa GMA na Owe My Love.
Hindi nga raw makapaniwala ni Kiray Celis nang mabalitang pumanaw na si Mahal.
“Sa liit ng panahong nakasama kita, ganun naman kalaki ang naibigay mong saya sa puso ko.”
Si Ai Ai delas Alas naman ay inakala na isang fake news ang kumalat na balitang yumao na si Mahal. Bigla raw niyang na-miss si Mahal na nakilala niya noong panahon pa ng noontime show na Lunch Date.
“Kanina hindi pa nag-sink in sakin na wala ka na pero nung pinanood ko `to, ayan naiyak na ako. Nawalan ako ng isang barkada sa industriya.”
Si Benjamin Alves naman ay naaliw kay Mahal noong nasa lock-in taping sila ng Owe My Love. Si Mahal daw ang nagpapasaya sa kanila kapag pagod na silang lahat sa taping.
Nag-post naman si Janice de Belen ng, “RIP Mahal” with matching rose emoji sa Instagram post niya ng movie poster na pinagsamahan nila ni Mahal na Anak Ni Janice noong 1991.
Ayon sa kapatid ni Mahal na si Irene Tesorero, ang cause of death ng 46 years old niyang kapatid ay gastroenteritis at ilang pre-existing conditions tulad ng high blood pressure at nagtest positive pa ito ng COVID-19.
Nalagutan ng hininga si Mahal sa isang ospital sa Batangas.