Advertisers

Advertisers

Jueteng sa Oriental Mindoro ‘untouchable’

0 260

Advertisers

PATULOY na namamayagpag ang operasyon ng Jueteng sa Oriental Mindoro sa kabila ng mahigpit na kautusan ng Kampo Crame na ipatigil ito.

Peryahan ng Bayan ang ginagamit sa operasyon ng jueteng sa lalawigang na protektado raw ng matataas na opisyal ng gobyerno at kapulisan.

Sa sumbong na ipinarating sa inyong lingkod, inginusong isang Vice Mayor sa Oriental Mindoro na taga Pangasinan ang umanoy financier ng palarong dalawang beses ang bola sa naturang lalawigan.

Alam ba ninyong protektado ang pasugalang ito ni Alyas Kuya na pinaniniwalaang tatakbo uli ngayong 2022 ELEKSYON sa probinsya?

Anak ng kapreng hubo’t hubad, kaya pala dedma sa mga otoridad ang marching order nina DILG Sec Eduardo Año at PNP Chief General Guillor Eleazar laban sa talamak na tayaan ng Jueteng dahil sa mala- adobeng pader ang sinasandalan nito.

Isang UTOL naman ang tumatayong bagman ni alyas KUYA na kumukubra umano ng P4-Milyon kada buwan bilang PAYOLA mula sa Jueteng operator/financier.

Walanghiya, kasama raw sa buwanang payola ang ilang tiwaling mga mayor ng lalawigang ito kaya tikom ang bibig ng mga kumag sa lantarang tayaan ng jueteng sa kanilang AOR.

Susmaryusep, batid ng mga Mindoreño na animo’y patak ng gripo lang ang kinikita ng PCSO sa Peryahan ng Bayan ‘dyan samantalang milyones kada araw ang kinakabig ng mga animal na bangka na nakahiga sa sandamakmak na ari-ariang nabili sa pamamagitan ng sugal na ‘yan.

Sa susunod na isyu, huhubaran natin ng talukbong si Alyas KUYA na itinuturing na Godfather ng Jueteng sa Oriental Mindoro kasama ang ‘BAGMAN’ na si UTOL upang malantad sa publiko ang pagkakakilanlan ng mga mokong nato. Abangan!

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan at 10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, tuwing huwebes 9:00-10:00am sa 96.9 FM RADYO NATIN Calapan City. Mapapanood livestreaming at Youtube live!

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More