Advertisers

Advertisers

SAKRIPISYO NG PNP SA PANDEMYA PINURI NI BONG GO

0 400

Advertisers

Pinasalamatan at pinuri ni Senator Christopher “Bong Go” ang Philippine National Police (PNP) sa patuloy na sakripisyo at pagtupad nito sa tungkuling protektahan ang mga Filipino sa gita ng banta ng COVID-19 pandemic

Sa kanyang virtual speech sa ika-120 Police Service Anniversary ng National Capital Region Police Office (NCRPO) noong Biyernes, sinabi ni Go na sa mahigit isang siglo na, ang PNP ay tunay na palaging maaasahan bilang tagapagbantay ng kapayapaan, kaayusan at seguridad ng bansa.

“Through its mandate, the organization has enforced our laws and safeguarded our communities so that we could continue working towards progress as one nation,” ani Go.



At sa panahon ngayon ng pandemya, kinilala ni Go ang pambansang pulisya, katuwang ang uniformed personnel, sa patuloy na pagtataya ng kanilang buhay para maprotektahan ang mga Filipino sa dalang panganib ng mga masasamang loob.

“Salamat sa mga pulis sa inyong sakripisyo sa panahon ngayon. Bago ko po makalimutan, sa lahat po ng mga pulis, mga militar, lahat – bumbero, BJMP. Salamat po sa inyong sakripisyo sa panahon ngayon dahil kayo po ang maituturing na mga frontliners sa panahon ngayon,” ani Go.

“So, salamat po sa inyong serbisyo. Hindi po natutumbasan ng kahit anuman po ang inyong serbisyo sa panahon ngayon. At mahihirapan po si Pangulong Duterte sa kampanya laban sa kriminalidad at sa iligal na droga kung hindi po sa tulong ng mga pulis. Saludo po kami sa inyo,” idinagdag niya.

Kagaya ng mga pulis, sinabi ni Go na sila man ni Pangulong Rodrigo Duterte ay committed na sa pagpapakita ng pagsisikap at malasakit para sa Filipino, lalo ngayong panahon ng krisis.

“Speaking about Tapang at Malasakit, ako po’y natutuwa. ‘Yan po ang ipinangako ng gobyerno ni Pangulong Duterte at nakita ko kanina sa inyong video presentation na iyan rin po ang inyong sinusunod na paniniwala,” ani Go.



“Hindi lang po tapang ang kailangan dito. Kailangan rin po ‘yung pagmamalasakit sa ating kapwa Pilipino lalung-lalo na po sa panahon ngayon. At iyong inyong social responsibility – ako’y natutuwa po ‘no,” anang pa ng senador.

Pinuri ni Go ang progreso ng PNP sa paglaban sa krimen, illegal drugs at terorismo sa bansa sa pagsasabing kapwa sila natutuwa ni Pangulong Duterte sa tagumpay na ito.

“Nakita niyo naman po kanina ‘yung accomplishments ng NCRPO, ‘yung pag-aresto, ‘yung kampanya laban sa droga, sa mga kriminal, ay tuloy-tuloy po lalong-lalo na po sa mga iligal na gawain, talagang tuluy-tuloy,” ayon sa senador.

Ani Go, ang Pilipinas ay mas ligtas na ngayon sa mga kriminal dahil sa pagsisikap ng PNP.

“Maglakad po kayo sa gabi, tanungin niyo po ang inyong mga pamilya, ‘yung mga OFWs (overseas Filipino workers) natin, kaya ganoon na lang po sila ka-kampante.”

“Hindi po ‘yan mangyayari kung hindi po sa tulong ng mga pulis. Kayo po ang dahilan kaya naging successful po ang kampanya laban sa kriminalidad at nag-improve na po ang ating peace and order. ‘Yun naman po ang importante, peace of mind ng mga magulang… nakakauwi ‘yung mga anak nila, kaya salamat po sa mga pulis,” sinabi ni Go.

Binati rin ni Go ang lahat ng unit awardees sa nasabing event dahil sa kanilang excellent performance sa pagtupad sa tungkulin at responsibilidad.

“As you look back on the past 120 years, may you continue to pursue reforms and initiatives that will help create positive impact not only on the police force but the entire country as well,” ani Go.

“I trust that this anniversary will also inspire you to further embodied professionalism, excellence and integrity, so we can defeat all those that threaten our peace and freedom,” pahabol niya.