Advertisers
MARIING nagbabala ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga negosyanteng mananamantala sa nangyayaring krisis dulot ng tensiyon sa Middle East.
Sinabi ng DTI, maaaring maharap sa hanggang 15 taon ng pagkakakulong o multa na aabot sa P2 milyon ang retailers na mapapatunayang sangkot sa hoarding at profiteering ng mga essential goods.
Sa harap ito ng posibleng taas-presyo sa ilang produkto dahil sa walang prenong oil price hike.
Bago niyan, sinabi ni DTI Secretary Cristina Roque na sapat ang supply ng mga pangunahing bilihin sa bansa na inaasahang tatagal ng hanggang dalawang buwan.
Ayon sa Trade Department, ang price manipulation gaya ng hoarding ay maituturing na paglabag sa Price Act at iba pang batas.