Advertisers

Advertisers

VP Leni kay PDu30: ‘WAG GAMITIN MGA SUNDALO SA ’22 POLLS!’

0 310

Advertisers

BUMUWELTA si Vice President Leni Robredo sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa paggamit ng military para matiyak ang mapayapang halalan sa 2022.

Diin ni VP Leni, hindi dapat ito ginagamit bilang scare tactic kahit pa nagbabala si Duterte sa mga nagtatangkang imanipula ang resulta ng halalan at posibleng pagkakaroon ng karahasan.

Bagama’t lagi namang maasahan ang mga sundalo sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, sinabi ni VP Leni na hindi naman kailangan na sa lahat ng oras kunin ang kanilang serbisyo sa pagpapatupad ng bawat polisiya.



“Ang militar kailangan natin yan e. ‘Di sila kailangan katakutan. Given naman ‘yun kapag elections talagang tumutulong sila to maintain peace and order,” ayon kay VP Leni.

“Pero sana huwag nagagamit ang institutions para sa pananakot. Ang feeling ko lang noong nabasa ko ‘yung balita, ano ba naman ‘yan? Ganu’n na naman, every time gusto natin mag-enforce ng policy, gagamitin ang militar. Mali ‘yun,” pahayag pa ni VP Leni. (Josephine Patricio)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">