Advertisers

Advertisers

Beybi at mommy, positibo sa Covid-19

0 259

Advertisers

ISANG sanggol na bagong panganak at 30 anyos na ina nito ang sumailalim sa hospital isolation nang magpositibo sa Covid-19 sa lungsod ng Antipolo.

Base sa FB post ni Dr. Jun Ynares, taga-Marikina ang inang babae na kamakailan nanganak umano sa Antipolo Hospital System-Annex 3.

Nabatid na bago ito nanganak sa ospital, dinala ito sa Oplan Kalinga Isolation Facility sa Baras, Rizal ngunit dahil sa kanyang kalagayan, kinuha siya ng mga health personnel ng lungsod at dinala sa ospital sa Antipolo.



Ayon kay Ynares, mahigpit na binabantayan ng pamahalaang lungsod ang mag-ina dahil sa kanilang kondisyon sa kalusugan.(Edwin Moreno)