Advertisers

Advertisers

Sandro Muhlach ayaw maging anino ng erpat na si Nino

0 267

Advertisers

Ni GERRY OCAMPO

SA interview ng The Howie Severino Podcast  kay Johnny “Mr. M.” Manahan  ay naibulgar nito na nag-panic  ang ABS-CBN sa biglang  pagsikat ng phenomenal  loveteam  nina Maine Mendoza at Alden Richards noong 2015.

Ayon kay Mr. M, pine-pressure raw siya ng mga bossing na maghanap ng itatapat  sa AlDub loveteam.



“Nataranta  sila  ru`n  sa  success  nila Maine at Alden. And panic  sila. Nag-anic  talaga. They asked me, “Wala ba tayong ganyan?” Ang sagot ko, “Mayroon kaming talent  dito. Alam naming may talent  pero ayaw  n`yong gamitin.”

“Ang dami niyan. Naka-ano `yan sa ano ko sa notebook. At  least  10  really  talented  people. Pero hindi pinapansin ng mga executive. So yun ang mistake. They  didn`t  look closer at what  we had,” say ni Mr. M.



Ayon pa kay Mr. Manahan, mas  willing sumugal ang GMA 7 para sa mga bagong talent na puwedeng i-develop.

Sabi nga ni Mr. M, “The more  people  you field  may tatama  ru`n. E. Kung ang sinalang mo lang dalawa. 50-50 ang chance  mo pero kung 10 o 20 ang sinalang mo, the odds are more. You come up with more stars.”



Kaya naman ngayon ay kabahagi na rin si Mr. M sa pagla-launch ng bagong talent ng Kapuso na pinapirma sa GMA Artist Center.

***

Sharon at KC inintriga dahil kay Kakie

Bilang overseas  voter sa Los Angeles, California, nagpalista si KC Concepcion. Dati ay sa Paris siya naka-register at lumipat lang ng registration dahil plano niyang sa L.A, bumoto  sa 2022 election.

Hindi lang malinaw kung babalik ng Pinas si KC pagkatapos ng election para bisitahin ang bahay na kanyang binili at kanyang fur babies.

Siguro sa  ngayon ay nakarating na kay KC na may isyu na naman sila ng kanyang mom na si Sharon Cuneta dahil sa netizens. Nag-post kasi si Shawie na dinalaw niya ang anak na si Frankie Pangilinan sa New York. May nag-comment kasi na may isa pa siyang anak sa Amerika at kung binisita rin daw ba niya sa L.A., si KC

Sinagot naman ito ng Megastar at sinabi na, “Yes  I  HEARD!  I  wonder  how she is and what she is doing.”

Ang kaso pinalaki ng netizens at sila na rin ang nagbukas na may isyu pa rin ang mag-inang KC at Sharon. Dito na naglabasan ang Team Sharon at Team KC. Kanya-kanya na silang comment.

“You obviously know nothing  about  us  and  because  I am  their mother, you cannot  expect  me to talk  badly  about  any of  my children. Remember, we are all human beings, we all  can be  hurt  by  those we love. And generally speaking, kahit  100 na tao ang mahal mo, doon ka mapapalapit  sa sobrang nagmamahal  at   rumerespeto sayo.”

***

Alam ni Sandro Muhlach sa pagpasok niya sa showbiz ay siguradong maikukumpara siya sa kanyang ama na tinanghal na Child Wonder of Philippine Cinema.

Gusto ni Sandro na magkaroon ng sariling identity at hindi maging anino ng ama. Kaya lahat daw ay gagawin niya para makilala bilang Sandro at hindi yung anak ni Nino Muhlach.

“Mahirap po ang maging anak ng isang Nino Muhlach. People will expect  a  lot  from you. Kasi hindi lang po si Papa eh. Pati na ang uncle ko na si Aga Muhlach, my aunties Arlene  and Almira Muhlach and my late lola Amalia Fuentes. Kailangan may mapatunayan ako sa kanilang lahat.

“Masakit po minsan na may mga nagsasabi na kaya ako nasa showbiz dahil sa tatay ko. Sa impluwensiya ni Nino Muhlach. Para sa akin unfair  po  iyan because I  went  through  a  lot  bago ako natanggap as one of  the new  talents of GMA Artist Center.

“Ilang beses po akong nagsa-submit ng application ko sa GMA na hindi alam ng daddy ko. I  went  to  the usual  auditions at  naghintay po ako  for  many months kung pasado po ba ako  or  hindi.  Kaya laking tuwa ko noong  tawagan  ako  at  sinabing isa ako sa mga  bagong  pipirma sa GMAAC.

“Nagulat si Papa noong sabihin ko na isa na akong Kapuso. Natuwa po siya kasi hindi niya  akalain  that  I  would  work this hard  for  something that I like.  Sabi pa ni Papa na he will support me all the way.”

At 15 years old ay malayo pa ang tatakbuhin ng showbiz career ni Sandro. Sana nga siya na ang papalit sa iniwang kasikatan ng kanyang ama at Tito Aga.