Expressway sa Pasig River
Advertisers
KAUNTING panahon na lang ang ipagtitiis sa matinding trapiko ng mga motoristang bumabaybay sa kahabaan ng PASIG RIVER dahil magkakaroon na ng 6-lane elevated expressway na halos 20 minuto na lamang ang biyahe mula PASIG CITY hanggang MANILA.
Ang proyekto ay tinaguriang PASIG RIVER EXPRESSWAY (PAREX) na unsolicited proposal mula sa SAN MIGUEL CORPORATION ay ideneklarang TOLL ROAD ng TOLL REGULATORY BOARD noong June 2020.., at nitong September 21, 2021 ay nilagdaan ang SUPPLEMENTAL TOLL OPERATIONS AGREEMENT (STOA) para sa PAREX ng mga ahensiyang DEPARTMENT OF TRANSPORTATION (DOTr), DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS (DPWH), TOLL REGULATORY BOARD at ang PHILIPPINE NATIONAL CONSTRUCTION CORPORATION (PNCC) kasama na ang PAREX CORPORATION at SKYWAY O&M CORPORATION.
Makalipas ang 3-araw mula ng malagdaan ang STOA ay nagtipon-tipon ang mga bumubuo ng project proponent na SAN MIGUEL CORPORATION (SMC) at GOVERNMENT REPRESENTATIVES sa paglulunsad ng GROUND BREAKING CEREMONY ng nasabing proyekto sa PANDACAN, MANILA.
Sa website ng DPWH ay isinalarawan nito ang PAREX PROJECT na may habang 19.37 km 6-lane at pawang elevated expressway na babaybay sa kahabaan ng PASIG RIVER.., na magsisimula ang proyekto sa RADIAL ROAD 10 sa siyudad ng MANILA at magtatapos ito sa SOUTH EAST METRO MANILA EXPRESSWAY at CIRCUMFERENTIAL ROAD 6.
Magkokonekta rin ang proyekto sa 2.7 km portion ng SKYWAY STAGE 3 mula sa NAGTAHAN patungong PLAZA AZUL. Inaasahan ang proyektong ito na makapagluluwag ng trapiko at magkokonekta sa mga alternative route patungo sa mga toll roads na magpapabilis sa mga pagbibiyahe.
Magsisilbi rin ang proyekto bilang direct link sa pagitan ng WESTERN at EASTERN CITIES ng METRO MANILA sa pamamagitan ng elevated expressway ay mabilis na mararating ang BUSINESS DISTRICTS tulad ng MAKATI, ORTIGAS at BONIFACIO GLOBAL CITY.
“This project will incorporate green design principle to benefit, not just motorists, but also the ?environment and the economy of the people. It will be inclusive because it will accommodate various modes of transportation, such as the bus rapid transit, bicycle lanes, pedestrian, walkway, and water ferries,”? pahayag ni SMC President and CEO Ramon S. Ang (RSA).
Halagang P95 bilyon ang ipinuhunan ng SMC sa nasabing proyekto at ang PAREX ay ikinokonsiderang “one of the.most impactful projects” sa ilalim ng DUTERTE ADMINISTRATION na nakapaloob dito ang mga pangangailangang panlipunan, ekonomiya at pangkalikasan para sa kapakanan ng mamamayan.
Naglaan din ng P2 bilyon inisyatiba ang SMC para sa paglilininis at rehabilitasyon ng PASIG RIVER.., na naglalayong muling maibalik din ang dating kagandahan ng nasabing ilog.
“We know that a lot of silt, sand, and dirt will still go into the river from the Sierra Madre mountains, via the Marikina river, so the river needs to be maintained. We are committed to ?continuously dredge and clean it up for the next 30 years,”? pahayag ni RSA.
Sa paglilinis at pagsusudsod upang mapalalim ang naturang ilog ay magreresulta ito na muling mapapakinabangan ng mamamayan sa Metro.Manila ang PASIG RIVER.., sa pamamagitan ng mga biyaheng pantubig at makababawas sa matinding pagbaha sa panahon ng tag-ulan.
“We are happy because we have a project like this connecting north to south and east to west. ?Never has this connectivity been thought of, and now it is being implemented. We thank RSA and the whole of San Miguel. Unequivocally I say, the DoTR fully supports this project because I ?know it is good for the people and the environment,”? pahayag ni DOTr SECRETARY ARTHUR TUGADE.
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.