Advertisers
Lipa City, Batangas – Patay ang isang negosyanteng Bangladesh national nang tadtarin ng bala ng riding in tandem sa bahagi ng P. Torres St., Barangay 5 dito, Sabado ng gabi.
Kinilala ang biktima na si Shajad Miah, nasa hustong gulang, residente sa 1 FB Arty Subd., RM B-1, Karuhatan, Valenzuela City.
Ayon sa ulat ng Lipa City Police Station, nakaupo sa labas ng isang establisimyento ang biktima nang lapitan ng dalawang ‘di kilalang lalaki na sakay ng hindi naplakahang motorsiklo at pinaputokan ng sunod sunod ng kalibre .45 na baril. Nagawa pang makatakbo ng biktima subalit hinabol parin ito ng mga salarin at muling pinaputokan hanggang sa bumagsak ng walang buhay.
Mabilis na tumakas ang riding in tandem. Nakuha sa crime scene ang 9 basyo ng bala ng baril. (Koi Laura)