Advertisers
MARIING sinabi ni Senator Panfilo “Ping” Lacson na maaring mawala na ang lockdown sa bansa sakaling kapwa palarin sila ni Senate President Vicente Sotto III na manalo sa 2022 elections.
Katuwiran ni Lacson, ang Pilipinas ang may pinakamatagal ng lockdown sa buong mundo at hindi naman nito napigilan ang pagkalat pa ng COVID 19.
Bukod pa aniya, hindi ito nakatulong na makabangon ang Pilipinas kumpara sa ibang bansa.
“We’re toying with the idea that after June 30, 2022, wala na tayong lockdown kasi hindi nagwo-work ang longest lockdown. Lockdown ng lockdown, hindi nagwo-work. Baka may ibang approach,” sabi nito sa isang news forum.
Dagdag pa nito, kung hindi naman umuubra ang isang pamamaraan para pigilan ang pagkalat pa ng COVID 19 dapat lang aniya na itigil ito.
Sabi pa ni Lacson walang patutunguhan ang lahat kung hindi ‘flexible’ sa ibang pamamaraan, na aniya ay dapat ay science and technologu-based bukod pa sa base sa mga tunay na datos.
Binanggit niya na sa kanila ni Sotto ang mga maaring alternatibo ay epektibong vaccination rollout, pagpapalakas sa mga ospital at tamang paggamit ng pondo ng bayan.
45% PORSIYENTO SINASABING DELIKADONG BANATAN ANG ADMINISTRASYONG DUTERTE
Samantala halos kalahati ng mga Filipino ang naniniwala na delikado na maglathala o magpahayag ng anumang kritikal sa gobyerno kahit totoo.
Base ito sa resulta ng Social Weather Station (SWS) survey na ikinasa noong Setyembre 12 hanggang 16 at may 1,200 respondents sa ibat-ibang bahagi ng bansa.
Nabatid na sa tanong na, “ It is dangerous to print or broadcast anything critical of the administration, even if it is the truth?, 45 porsiyento ang sumang-ayon.
May 29 porsiyento naman ang hindi nakasagot at may 19 porsiyento ang hindi sang-ayon.
Sa mga terminolihiya ng SWS ang +50 and above ay “very strong,” +30 – +49 ay “strong,” +10 – +29 ay “moderate,” +9 to -9, “neutral”; -10 to -29, “poor”; -30 to -49, “weak”; -50 pababa naman ay “very weak.’
Sa mga sumang-ayon, pinakamarami sa Visayas (+31), sinundan ng Balance Luzon (+28), Mindanao (+23) at Metro Manila (+17).
***
Binabati ko ang aking sarili ng happy birthday at siyempre ang aking partner co-host sa radyo na Ms.Karen Mahinay Grampil ng HAPPY BIRTHDAY. Wish you all the best partner and good health!
Naway marami pang birthday ang darating sayo!
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com at ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan at 10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, tuwing huwebes 9:00-10:00am sa 96.9 FM RADYO NATIN Calapan City. Mapapanood livestreaming at Youtube live!