Advertisers
ISINUSULONG ni Ombudsman Samuel Martires ang kanyang proposed amendments sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officals and Employees ang pagbabawal sa “commentaries” sa statements of assets, liabilities, and net worth (SALNs) ng mga nagtatrabaho sa gobyerno.
Batay sa draft ng panukalang batas na isinumite ni Martires sa Kamara, ang paggamit ng mga impormasyon para sa pagbabalita ay istriktong limitado lamang sa pag-uulat ng mga facts na nakasaad sa SALN at hindi na dapat pang magkaroon ng “commentaries” ukol sa mga ito.
Sinuman ang lalabag sa probisyon na ito ay paparusahan ng pagkakabilanggo ng hindi lalagpas sa limang taon o pagmumultahin ng hindi sosobra naman sa P5,000, o puwede ring dalawa ito.
Saad pa ni Martires na walang censorship o anumang restriction sa freedom of speech o expression sa kanyang proposed bill na isinumite sa Kamara. (Josephine Patricio)