Advertisers

Advertisers

Bong Go sa govt: Ihanda ang booster shots

0 343

Advertisers

MULING umapela si Senator Christopher “Bong” Go na ipinalisa na ang pagpaplano para sa paglulunsad ng booster shots kasunod ng anunsyo na inaprubahan na ito ng Department of Health sa mga priority group.

Sa Talk To The People briefing ni Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi ni National Task Force COVID-19 chief implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na ang emergency use authorization ng pagbabakuna ay kinakailangang amyendahan at palawakin, kasama na ang paggamit ng third dose bago ipagpatuloy ng pamahalaan ang next phase ng inoculations.

“Alam po ni Senator Bong Go na marami pong mga ospital ang humihingi ng tulong sa kanya para magkaroon ng boosters ang ating mga healthcare workers… Ang pinaka-priorities natin ‘yung healthcare workers at saka immunocompromised and then the elderlies,” ani Galvez.



“Ang supply requirement at saka ‘yung secured doses natin (para) sa healthcare workers, we will allot more or less two million doses … Regardless of the brand, mayroon tayo na nakatabi. And then for the immunocompromised and elderly, we will be requiring five million. We (will) have also enough doses with the succeeding deliveries,” paniniyak ng opisyal.

Sa kanyang apela, nauna nang sinabi ni Go, chairman ng Senate Committee on Health, na dapat ikonsidera ng gobyerno ang pagbibigay ng booster shots, lalo’t may mga ulat na paglitaw ng iba’t ibang variants ng COVID-19.

“Importanteng paghandaan na natin ito. Baka kailanganin natin ng booster lalo na dahil sa mga naglalabasang variants. Dapat din natin masiguro na may sapat na pondo dahil tuluy-tuloy ang pagbabakuna natin hanggang sa susunod na taon,” ani Go kamakailan sa deliberasyon ng 2022 budget ng Department of Health.

Tinatayang P45.4 billion ang isinama sa Unprogrammed Fund sa pagbili ng booster shots.

Inihayag ni Go na dapat bilisan ang pagde-deploy ng bakuna sa labas ng Metro Manila at kumpletuhin ang pagbabakuna sa target population, partikular na sa nakatatanda at persons with comorbidities sa Kalakhan sa pamamagitan ng booster shots.



As of October 25, nakapag-secure na ang pamahalaan ng 187.6 million doses ng COVID-19 vaccines, ang 97.7 million ay dumating na sa bansa.

May kabuuang 56.2 million Filipino na ang nababakunahan, kabilang ang higit 30 million na nabigyan ng first dose at 25.9 million individuals ang fully vaccinated na.

Ipinaliwanag ni Secretary Galvez na ang vaccination strategy ng bansa ay ire-recalibrate sa fourth quarter ng 2021 para makapagpokus sa unvaccinated target groups.

Kabilang dito ang inoculations sa mga kabataan at mag-aaral, aggressive house to house vaccinations at pagpapalakas ng local government units sa kanilang first dose coverage nang hanggang 70% sa katapusan ng Nobyembre.

Samantala, target ng gobyerno na mabakunahan ang 50 million ng priority population bago mag-Pasko, 70% ng populasyon ng National Capital Region Plus 10 areas, at 70% ng total population bago ang national election.

“I urge my fellow government workers, especially our local chief executives, to ensure the continuous deployment of the vaccines. Let us take it upon ourselves to bring the vaccine rollout closer to those who may have trouble getting them, such as the elderly and persons with disabilities who cannot leave their homes, and the people who live in rural and hard-to-reach areas,” apela ni Go.