Advertisers
APRUBADO na ng Inter Agency Task Force Against Covid-19 ang pagbibigay ng booster shots sa mga paalis na overseas Filipino workers (OFWs).
Ito ang ginawang pahayag ni Vaccine Czar Carlito Galvez, Jr. kung saan ay nagdesisyon ang IATF na magturok ng booster shots sa mga OFW at seafarers na palabas ng bansa sa loob ng apat na buwan.
Ani Galvez, hiniling na ng IATF sa Food and Drug Administration na magsagawa ng inclusions at amendments para maisama ang migrant workers bilang prayoridad sa booster shots.
Hinihintay pa ang anunsyo ng pamahalaan kung kailan ito isasagawa.
Gayundin ay ipinalam ni Sec. Galvez na posibleng mabigyan na rin ng booster shots sa susunod na taon ang mga nalalabing A4, A5 at general population kapag naabot na ang mahigit 50% ng populasyon na naturukan na ng second dose. (Vanz Fernandez)