Advertisers
TULOY ang pagpapadala ng mga supply ng pagkain at mga kagamitan ng Militar sa mga sundalo sa Ayungin Shoal sa kabila ng ginawang pagharang at pambobomba ng tubig ng Chinese Coast Guard sa dalawang bangkang magdedeliber ng supply nitong nakaraang linggo.
Ito ang inihayag ni Defense Sec. Delfin Lorenzana matapos makausap at tiyakin ng Chinese Ambassador to the Huang Xilian na hindi na haharangin ng Chinese Coast Guard ang maghahatid ng supply sa mga sundalo sa Ayungin Shoal.
Ayon kay Lorenzana, sinabi ni Huang na hindi umano ito haharangin at nakiusap na walang escort ng Militar ang mga bangkang maghahatid o magdadala ng supply ng pagkain sa sundalo na nakadestino sa Ayungin Shoal.
“Yes, these is such instructions. No Coast guard or navy escort. The Chinese will not interfere per my conversation with the Chinese Ambassador,” ani Lorenzana.
Sinabi ni Lorenzana na madalas silang nag-uusap ni Huang mula noong Nobyembre 16 matapos ang naganap na insidente ng pambobomba ng tubig ng Chinese Coast Guard sa mga bangka na magsu-supply ng pagkain at kagamitan.
Ani Lorenzana, titignan kung totoo ang sinasabi ni Huang na hindi haharangin ng Chinese Coast Guard ang mga magdadala ng supply.
“We will see if they are true to their words as our navy will proceed with the resupply this week,” ayon kay Lorenzana.
Iginiit ni Lorenzana na nilabag ng China ang “sovereign right” ng bansa dahil ang Ayungin Shoal ay saklaw at nakapaloob sa Exclusive Economic Zone ng Pilipinas. (Mark Obleada)