Advertisers

Advertisers

PANAWAGANG ITULOY ANG BDP LUMALAKAS

0 291

Advertisers

NAGHUHUMIYAW na ang patuloy na lumalakas na panawagang huwag tapyasan ng mga senador ang pondo para sa Barangay Development Program (BDP) ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Ito’y matapos tatlo pang gobernador at isang municipal mayor na natatakot muling mapeste ng mga komunistang-teroristang Communist Party of the Philippines, New Peoples’ Army, National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) ang kanilang probinsiya, ang nanawagan sa mga senador na huwag namang tapyasan ang pondo ng BDP.

Sa lingguhang ‘virtual’ na balitaan ng NTF-ELCAC, inihayag ni Abra De Ilog Municipal Mayor Eric Constantino ng Occidental Mindoro na naka-umang na naman ang panganib sa kanila dahil inilipat na ang headquarters ng NPA na naka-base sa probinsiya ng Quezon at Laguna sa kanilang lugar. Ito ay sa kabila ng nabuhusan na ng pondo ng BDP ang ilan sa kanilang mga baranagay upang makaranas naman ng kaunlaran dahil sa kalagayang napaka-lalayo nito sa mga kabihasnan, at mga Indigenous People (IP) o mga katutubo ang mga naninirahan sa mga nasabing komunidad.



Sabi ni Constantino, ang mga IP din ang pinagmumulan ng malaking bilang ng mga narerecruit ng komunistang-teroristang samahan dahil sila ay mga nasa kabundukan o malalayong lugar, kaya’t madaling pagsamantalahan ng mga pesteng CPP-NPA-NDF.

“Balikan ninyong muli ang inyong desisyon, upang makita niyo ang kahalagahan ng nagagawa ng BDP sa ilalim ng NTF-ELCAC,” ang paki-usap ng alkalde sa mga senador.



“Pakinggan niyo ang mga hinaing ng tao (espesyal na ng mga IP). Ipagkakait niyo ang mga serbisyong inyo pa namang sinumpaan,” ang paalala pa ni Constantino sa mga senador, dahil aniya, nadama na at nakita na ng mga IP ang pagmamalasakit ng pamahalaan sa pamamagitan ng BDP.

Si Bohol Governor Arthur Yap naman ay nalulungkot din at nanawagan kahit na sa susunod na taon pa sana nila matatanggap ang BDP para sa ilan nilang barangay na matagal nang di napapansin ng pamahalaan.



“Sayng lang ang big investment ng national goverment for Bohol in tourism,” ang pahayag ni Gob. Yap na ipinaliwanag mapapaganda sana ng BDP ang “road network” ng anim na ‘critical barangay’ sa kanyang probinsiya.

Para naman kay Eastern Samar Governor Ben Evardone, pumupustura lamang ang mga senador dahil sa nalalapit na halalan.

“Para hindi sila magmukhang bad boy ililipat sa Covid-19 pandemic,” ang paliwanag ni Evardone na tinutukoy ang ginawang dahilan ng mga senador para bawasan ang pondo ng BDP.

“Itong pandemic ng insurgency ay mas matagal na,” ang pagdidiin niya.

Hindi raw sila mangingiming gumawa ng resolusyon na balikan ang mga senador ng deklarasyong “walang makukuhang mga boto” sa kanilang probinsiya ang mga pumupusturang mamababatas kapag tinapysan nito ang pondo ng BDP. Dangan daw kasi malaki ang maitutulong ng BDP sa kaunlaran ng Eastern Samar.

Para kay Davao Oriental Governor Nelson Dayanghirang, ang 81 percent na ng mga proyektong nasimulan ng BDP sa kanyang mga nasasakupan ay masasayang din lang kung babawasan o ipapatigil na ng mga senador ang programa ng NTF-ELCAC. At kung mangyari man ang ganuon, walang ibang masisira kung di ang pamahalaan, na ngayon ay dama na ng ating mga kababayan sa mga kanayunan at mga liblib na mga barangay ang pagmamalasakit nito sa kanila.

“Huwag niyong ipagkait ang kaunlaran at kapayapaan sa taong bayan,” ang paki-usap ni Gob. Dayanghirang.

Samantala, si Interior and Local Goverment Undersecretary Jonathan Malaya, taga-pagsalita rin ng NTF-ELCAC sa larangan ng Local Government Affairs at Barangay Development Program ay nagsabi na kahit na sila ay umaasang makukuha pa nila ang suporta ng mayorya sa Senado, mas magandang nanggagaling sa mga mismong local officials gaya ng mga gobernador at mayor ang panawagan na huwag ituloy ang pagbabawas sa pondo ng BDP dahil ang kanilang mga lugar ang talagang maaapektuhan ng tapyas budget.

“BDP ang nakapag-pabago ng ating laban sa komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF. Magdudulot ito ng kalituhan sa mga LGUs at sa taong bayan, na ang pamahalaan ay tila pa kinukunsinte ang komunismo, kapag ang BDP ay binawasan o tinanggal mang tuluyan,” ang sabi ni Malaya.