Advertisers

Advertisers

Sen. Go nabigla sa pagsabak sa presidential bid

0 279

Advertisers

SA kabila ng pag-amin na “shocked” at nabigla siya sa pagtakbo bilang presidente ng bansa, iginiit ni Senador Christopher “Bong” Go na tangi niyang maipagmamalaki ay ang bisyo niyang magserbisyo.

“Nag-resist po talaga ang aking utak, puso at aking katawan. Nabigla po ako sa aking pagtakbo, napakahirap po ng aking sitwasyon. Naghahantay po ako ng sign ng Panginoon kung sa tingin niya, ‘Dito ka na lang Go,’ susundin ko po,” ayon kay Go.

Sinabi ni Go na buong panahon at buong serbisyo niya ay ibibigay niya sa kapwa niya Pilipino.



Ayon kay Go, batid niya ang hirap ng trabaho ng isang pangulo ng bansa dahil palagi siya sa tabi ni Pangulong Rodrigo Duterte kaya alam niya ang mga problema at bahagi siya ng paggawa ng solusyon sa mga ito.

Nilinaw din ni Go na hindi kailanman siya nakialam sa mga desisyon ni Pangulo maliban lang sa mga magagandang suhestyon nya kapag tinatanong siya.

Binigyang-diin ni Go na sa bawat desisyon nila ng Pangulo ay palagi nilang inuuna ang kapakanan ng sambayanan.

Ipinagmalaki ni Go na siya ang nagpaalala sa Pangulo kaugnay sa pangako nitong dagdag suweldo sa mga uniformed personnel noong maupo ito bilang pangulo noong 2016. (Mylene Alfonso)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">