Advertisers
KAKARERANG muli ang mga bantog na ‘boys of summer’sa larangan ng kumpetisyon sa bisikleta.
Matapos ang halos dalawang taong pagkatengga ng cycling tour sa bansa
dahil saCOVID-19 pandemic, haharurot muli sa kalsadang nasyunal sa pag-arangkada ng bigtime GO Philippines Tour 2022, na isang multi-stage bike festival na tatampukan ng 16 na yugto sa loob ng 22 araw sa buong kapuluan na sisikad sa Pebrero 14 sa Davao City.
“We know how our local cycling fans and riders have been hungry to have another big cycling competition and this our answer to that,” sambit ni GO Philippines Tour event director Ric Rodriguez sa idinaos na paglulunsad at press conference kamakalawa ng gabi sa City of Dreams ballroom sa Paranaque.
Tumataginting na P10 million, total pot na itinuring nang pinakamalaking premyo sa kasaysayan ng local cycling tour ang pagtutunggalian ng mga koponan at siklista at tinatayang mas magarbo at kapanapanabik na bikathon action tulad ng mga alamat na Tour of Luzon at Marlboro Tour.
“We are just as excited with Rodriguez in the staging of this event that will be anticipated by local riders and cycling fans alike,” pahayag naman ni GO Philippines Tour Chief Executive Officer Marian Romilyn Galanza sa magarbong karera ng bisikleta na dadaan sa mga magagandang tanawin at tourist attraction sa bansa.
“This is a dream come true for us,” ani Galanza, isinilang sa Paris kung saan ginaganap ang tanyag naTour de France.
Pinapurihan din niya si Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go, Chairman of the Senate Sports Committee, sa kanyang todo suporta sa naturang bikefest, na nagpatibay sa status ng Senador bilang sportsman at patron ng local sports.
Si Sen.Go ang may akda ng Republic Act 11470 creating the National Academy for Sports,
Dagdag- ningning sa okasyon ang pagdalo nina cycling enthusiast at Local Government Undersecretary Martin Dino- pinuno ng DILG Barangay Affairs.
“The staging of the GO Philippines Tour 2022 is timely with the passage of the law establishing bike lanes all over the country,” wika ni Dino. “ I will issue a circular to all the barangays in promoting the big racing event.”
Bilang consummate at race organizer, tinapik ni Rodriguez si Malaysian Jamaludin Mahmoud, angbutak ng sikat sa mundong Tour de Langkawi, na papapel na chief commissar of the race.
“We need world-class officials for the inaugural GO Philippines Tour 2022 meets current international standards,” ani Rodriguez , “and in Mahmoud we know our event will be in very capable hands.”(Danny Simon)