Advertisers

Advertisers

P32m marijuana sinunog sa Kalinga

0 248

Advertisers

WINASAK at sinunog ang tinatayang nasa P32 milyong piso halaga ng marijuana na nadiskubre sa Sitio Balay, Barangay Tulgao West, Tinglayan, Kalinga.

Unang nadiskubre ng mga otoridad ang isang plantasyon ng marijuana na may lawak na 5,000 square meters at may tanim na mahigit kumulang sa 50,000 marijuana seedlings na tinatayang nagkakahalaga ng P2 milyon.

Sa patuloy na operasyon ng PNP Cordillera at Philippine Drug Enforcement Agency-Regional Office 2 (PDEA-RO2), natagpuan ang isa pang site sa lugar kungsaan nadiskubre ang nasa mahigit kumulang 250,000 grams ng marijuana leaves na tinatayang nagkakahalaga ng P30 milyon.



Kaugnay nito, nagtulong-tulong ang PNP at PDEA sa pagbunot ng mga nakatanim na marijuana habang sinunog ang mga nadiskubreng dahon ng ipinagbabawal na gamot.
Sa nasabing operasyon, nagsanib pwersa ang PDEA RO2 – Regional Special

Enforcement Team (RSET); PDEA Isabela Provincial Office; Provincial Intelligence Unit/Provincial Drug Enforcement Unit-Isabela PPO; 1st Provincial Mobile Force Company-IPPO; PDEA Kalinga Provincial Office; Tinglayan Municipal Police Station; 1st at 2nd Kalinga PMFC; ang Regional Mobile Force Batallion15 1501st at 1503rd Maneuver Companies; at Regional Intelligence Division, Police Regional Office Cordillera o PROCOR. (Rey Velasco)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">