Advertisers

Advertisers

Nagpapagupit, pinutukan

0 138

Advertisers

BINAWIAN ng buhay ang isang lalaki nang pagbabarilin habang nagpapagubit sa Barangay RH3, Cotabato City.

Kinilala ang biktima na si Jomar Utto Tatak, residente ng Purok Magungaya, Barangay Rosary Heights 3, Cotabato City.

Ayon sa ulat, habang nagpapagupit ang biktima sa Dam Barber Shop sa Liwa Candao St., Brgy RH 3 nang pinasok ng mga hindi kilalang salarin at pinagbabaril gamit ang kalibre .40 na pistola.

Agad tumakas ang mga salarin sakay nang dalawang motorsiklo.

Patay on the spot si Tatak nang magtamo nang maraming tama ng bala sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan.

Inaalam na ng mga awtoridad ang tunay na motibo sa krimen at pagkakakilanlan sa mga salarin para sa agaran ikadarakip sa mga ito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More