Advertisers

Advertisers

Mag-asawang German, Pinay nalambat ang bangkay sa Cebu

0 219

Advertisers

NAKATALI ang mga paa nang malambat ng mangingisda ang bangkay ng isang German national at misis nitong Pinay sa dagat sa bayan ng San Remigio, Cebu City.

Kinilala ang mga nasawi na sina Joseph Hans Wind, 69 anyos, German national; at asawang si Zenaida Buenaventura Wind, 62, taga Purok Molave, Barangay Maño, San Remigio.

Sa report ng San Remegio Police Station, 6:30 ng umaga, Nobyembre 25, natagpuan ang bangkay ng mag-asawa sa karagatan sakop ng Barangay Maño, ng nasabing bayan.

Ayon kay Major Ian Macatangay, hepe ng San Remigio Police Station, nakatali ang mga paa at nilagyan ng mga bato ang katawan ng mag-asawa saka inihagis sa karagatan ilang metro ang layo sa bahay ng mga ito.

Nakitaan rin ng mga tama ng bala sa iba’t ibang parte ng kanilang katawan saka inihagis sa dagat para itago ang krimen, subalit nakalas ang mga batong inilagay sa katawan ng mag-asawa kaya lumutang ang mga ito.

Sinabi ng pulisya, isang mangingisda ang nakakita sa mag-asawa na nagpalutang-lutang sa dagat.

Lumabas sa paunang pagsisiyasat ng pulisya, nadiskubre nila ang bahay ng mag-asawa na mistulang dinaanan ng bagyo dahil lahat ng kanilang kagamitan ay hinalughog at tinangay ng mga salarin.

Hinala ng mga awtoridad na pagnanakaw ang motibo sa krimen.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang pulisya sa nasabing krimen.

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More