Advertisers

Advertisers

FPJ, hindi ka makalilimutan

0 590

Advertisers

SA Disyembre 14 (Martes) ay Ika-17 taong Anibersaryo ng pagkamatay ni Fernando Poe, Jr., ang kinilalang “hari” ng pelikulang Pilipino.

Kahit matagal nang pumanaw si FPJ, walang dudang buhay na buhay ang kanyang alaala sa milyun-milyong Pilipino na na napakataas ng paghanga sa kanya at sa mga pelikulang kanyang ginawa, sa mahabang panahon.

Walang katotohanan ang inilalabas na balitang nilimot na ng taumbayan ang tinaguriang “Da King” ng pelikulang Pilipino.



Ang ganyang pagpapalutang ng pekeng balita ay walang dudang pakana ng kanyang kalang upang gapiin ang pagpapatuloy ng laban ni Da King para sa mamamayan.

Sa edad na 65 nang bawian ng buhay si FPJ sa ganap na 12:01 ng madaling araw noong Disyembre 14,2004 makaraang itakbo siya sa St. Lukes Medical Center sa Quezon City.



Ang dahilan ng pagkamatay ni FPJ ay stroke na nagresulta sa celebral thrombosis at multiple organ failure.

Sa totoo lang, hanggang ngayon ay hindi nabubura sa isipan ng milyun-milyong tagahanga ni FPJ na namatay ito makaraang damdamin nang husto ang pandarayang ginawa ng pangkat ni Gloria Macapagal – Arroyo sa eleksyon ng pagkapangulo ng bansa noong 2004.



Masakit sa mga tagahanga ni FPJ ang sinapit ni FPJ sa halalan at ang kanyang pagpanaw.

Kaya nga, dumagsa ang napakaraming tao sa kanyang burol sa Sto. Domingo Church hanggang sa paghatid sa kanya sa kanyang huling hantungan sa Manila North Cemetery.

Hanggang ngayon ay hindi napapawi ang kanilang pagmamahal sa kanilang idolo.

Sa Martes, muling gugunitain ang Ika-17 taong Anibersaryo ng pagkamatay ni FPJ.

Tiyak, muling sasariwain ng kanyang mga tagahanga ang alaala ng kanilang pinakamamahal na Da King.

Dahil sa mga nagawang kabutihan ni FPJ, paniwala ko’y ‘di na maglalaho sa isipan ng mamamayan ang naturang hari ng pelikulang Pilipino.

Ngunit, maliban sa paggunita sa kanyang alaala, higit na mahalaga sa kanyang mga tagahanga ang pagkamit ng katarungan sa kanyang pagkamatay.

Hindi maghihilom ang sakit na nararamdaman ng kanyang mga tagahanga hangga’t hindi nakakamit ang katarungan sa kanyang pagkamatay.

Bagamat napakailap makamtan ang jayarungan, hindi dapat mapanghinaan ng loob ang mga taong patuloy na nakikibaka, lalo na ang mga tagaganga ni FPJ, upang makamit ang katarungan, sapagkat darating ang panahon na maipagtatagumpay ang katarungan hinggil sa pagkamatay ni FPJ.