Advertisers

Advertisers

Tahi-tahing pangyayari

0 443

Advertisers

SA December 26 gugunitain na naman ang pagkakakatatag ng Communist Party of the Philippines (CPP). Ika-53 taon na ito ng kanilang anibersaryo. At hanggang ngayon patuloy pa rin ang kanilang armadong pakikibaka at pakikipaglaban na agawin ang pamahalaan.

53 taon na ang insureksiyong ito, na maging ang mga nagdaang administrasyon ay pinangarap at ginawaan ng paraan na tapusin ang panggugulo, pagpatay sa mga sariling kababayan, paninira ng mga ari-arian at panghihikayat sa mga kabataan na sumanib sa kanilang samahan bilang armadong mandirigma.

Itinuturing na ito bilang pinaka-mahabang insureksiyon sa buong Asia kahit ang ibang bansa na pinasok ng komunismo ay napagtagumpayan na ang pamemeste ng mga rebelde sa kanila o kaya naman ay komunismo ang sumakop.



Lahat ay natapos ng may malaking kabayaran at pagkasira ng kinabukasan ng kanilang mga bansa.

Dito sa atin, patuloy pa rin magpa-hanggang ngayon ang pagtatangka ng komunismo sa pamamagitan ng CPP at ang armado nitong hanay na New People’s Army (NPA) at National Democratic Front (NDF) na nagkukubling negosyador para sa kapayapaan.



Dahil na rin siguro sa pagkaka-deklara ng Martial Law ni Marcos kaya’t lumakas ang pwersa ng CPP-NPA-NDF. At magmula nga noon iba’t ibang administrasyon na ang nagtangka at sumang-ayon sa usapang pangkapayaan na ang dulo naman ay mga paglabag sa mga kondisyon sa panig ng CPP-NPA-NDF.

Ngayong panahon na ni Pangulong Rodrigo Duterte tigil na ang anumang usapang pang-kapayapaan at binansagan na ang CPP-NPA-NDF na mga komunistang-terorista.



Ito ay dahil mahirap nang kausapin ang CPP-NPA-NDF, kaya’t minabuti ng Administrasyong Duterte na ibuhos ang lakas at serbisyo nito sa mga kababayan nating pineste ng mga komunistang-terorista sa mga kanayunan at malalayong pool, upang makaahon naman sa mga sinapit nilang kahirapan.

Sisikapin ng Administrasyong Duterte na wakasan na ang paghahari-harian ng CPP-NPA-NDF sa pamamagitan nang pagpapakita ng tunay na pagmamalasakit sa mga biktima ng komunistang-terorista.

Happy Anniversary na lang sa inyo at nawa’y maliwanagan kayo sa tunay na kahulugan ng mapayapang lipunan.