Advertisers

Advertisers

ILAW: Tumataas na presyo ng kuryente, sanhi ng paghina ng ekonomiya sa pangunahing tourist destination sa bansa

0 10

Advertisers

Inihayag ng grupong ILAW na ang hindi maasahang suplay ng kuryente at tumataas na presyo ng kuryente ay nagdudulot ng pagbaba ng kita ay paglago ng ekonomiya sa mga pangunahing destinasyon ng turismo sa Pilipinas partikular sa Siquijor, Camiguin at Masbate.

Sa kanilang pag-aaral, ang madalas na brownout ay nagdudulot ng pagkaantala sa operasyon ng mga negosyo tulad ng hospitality,retail at food services na nagreresulta sa pagkansela ng mga booking,pinaikling pananatili ng mga turista at pagbabayad ng refund.

Pero ayon kay Beng Garcia, ang national convenor ng ILAW, umaaray na ang mga negosyante lalo na ang nasa MSMEs dahil sa problema sa kuryente kung saan matagal na itong nagiging problema lalo na’t karamihan ay walang sariling generator.

Bukod dito, kada magkakaroon ng brownout sa tatlong lugar , umaabot sa P10,000 hanggang P100,000 ang nawawala sa kita ng mga may mga negosyo.

Ang mga negosyo ay napipilitang gumamit ng back up generators , na nagdadagdag pa ng gastos dahil sa tumataas na presyo ng langis.

Paliwanag pa ni Garcia, halos malaki na ang binabayaran sa bill ng kuryente ng mga consumer pero nananatili naman mababa ang kanilang kita.

Marami na rin ipinadalang reklamo ang mga negosyante sa mga electric cooperatives pero hindi naman ito natutugunan kung saan maging ang lokal na pamahalaan ay halos wala rin magawa.

Dahil sa pagtaas na rin ng presyo ng produktong petrolyo, bumababa rin ang bilang ng mga turistang bumibisita na nagdudulot ng malaking epekto sa kita ng mga negosyo at sa reputasyon ng mga lugar bilang tourist destinations .

Ang mga kakulangan sa suplay , illegal connections ay patuloy na nagpapadala sa problema at negosyo sa isla at mas lalong naapektuhan ang mga ordinaryong empleyado .