Advertisers
ITINUTULAK ni Quezon City Rep. Alfred Vargas ang “Ayuda sa Bakuna” Bill kung saan bibigyan ng insentibo o assistance ang mga pamilyang fully vaccinated na.
Sa ilalim ng House Bill 10644, ipinapanukala na mabigyan ng “one-time” P15,000 na cash assistance ang mga pamilyang fully-vaccinated ng COVID-19 vaccines.
Bukod pa ang cash assistance program na ito na ipapasailalim sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa kasalukuyang social amelioration activities ng ahensya.
Prayoridad na makinabang sa “Ayuda sa Bakuna” ang mga kabilang sa “poorest of the poor” at vulnerable sector tulad ng mga senior citizens, persons with disabilities (PWDs), at mga taong may comorbidities.
Diin ng mambabatas, bukod sa mapapagaan ang epekto ng dalawang taon nang pandemiya, layon ng panukalang batas na matulungan na maresolba ang problema sa health crisis sa pamamagitan ng paghihikayat sa mga tao na magpabakuna at mapabilis ang pagkamit ng bansa sa herd immunity. (Henry Padilla)