Advertisers
PATULOY ang pandemyang nararanasan subalit, tila bigong mapaghandaan ng gobyerno ang muling pagbulusok ng COVID-19 na dinaranas ngayon ng sambayanan sa kawalan ng mga gamot na mabibili sa mga botika.
Ito ang ipinunto ni dating EXECUTIVE VICE PRESIDENT AND SPOKESPERSON OF THE PHILIPPINE FEDERATION OF BAKERS ASSOCIATION (PFBAI) LUCITO “KA CHITO” CHAVEZ, kung saan ay ilang araw na ang lumilipas ay dinadanas na ang SHORTAGE ng gamot kahit na ang simpleng gamot na PARACETAMOL; kung saan ay “extraordinary demand” umano ito dahil sa mga nagkakasakit ng lagnat, ubo o sipon.
Ipinunto ni KA CHITO na ang GOVERNMENT OFFICIALS ay dapat na tinatalakay ang pagbibigay solusyon sa MEDICINE SHORTAGE tulad sa pag-agap ng BAKESHOP INDUSTRY na mga buwan pa lamang bago magkaroon ng paglobo sa bread demand, ay napaghandaan na ng kanilang sektor…, bukod pa sa ang tinapay ay tumatagal lamang sa loob ng 5-araw.
Ang HEALTH AUTHORITIES ay dapat na gumagawa ng mga pamamaraan ayon kay KA CHITO, dahil kahit may perang pambili ang tao kung wala namang mabibili ay ano na lamang ang gagawin ng tao
“People are buying a bit plenty of drugs not to hoard but for ‘little simple stocks’ in anticipation of family members getting sick. It is really a sad reality when one is not asking for free medicine, yet one has nothing to buy. The Department of Health (DOH) is considering allowing self-administered or home testing for the coronavirus using antigen kits as COVID-19 cases continued to rise, shooting up to over 10,000 on Wednesday, nearly double the previous day’s count,” pagpupunto ni KA CHITO.
Kung tutuusin, sa tuwing magpapalit ang klima ng panahon.., wala pa ang pandemya ay karaniwan na ang pagkakaroon ng sipon, ubo at lagnat pero nang ideklara ang pagkakaroon ng COVID-19 dagdag pa ang iba’t ibang VARIANT ay naging malala na dahil mandatory na ang isolation o ihihiwalay ka na sa iyong mga kapamilya gayong curable ang lahat ng ito.
Pinalalabas ng HEALTH OFFICIALS na napakadelikado ng COVID-19 para may rason na ipuwersa ang mga tao na magpabakuna.., gayong may mga panlunas naman tulad halimbawa ng IVERMECTIN.., pero hinahadlangan ito ng GOVERNMENT OFFICIALS.., kasi wala silang makokomisyon hehehe.
Hindi rin itinuturo ng mga awtoridad ang ibang mga pamamaraan tulad halimbawa ay ang pagsusuob, pag-inom ng fruit juices, pag-inom ng maraming tubig at iba pang pagpapalakas ng resistensiya ng mga katawan.., sa halip, ang iginigiit ng mga awtiridad ay tanging bakuna lamang ang gamot para sa COVID-19.
Bakit pipilitin ng mga awtoridad ang tao na magpabakuna gayongCLINICAL TRIAL STAGE pa lamang o EXPERIMENTATION STAGE ang ginagawang bakunahan.., at maging ang REPORT ng DEPARTMENT OF HEALTH (DOH) ay kulang ang mga detalye.
Ang iniuulat lamang ng DOH ay bilang ng mga nagka-COVID, bilang ng gumaling at bilang ng mga namatay.., na hindi inilalagay ang bilang ng ilan sa mga nagka-COVID ang mga bakunado at hindi bakunado.., sa mga gumaling, ilan ang bakunado at hindi bakunado.., gayundin sa mga namatay ay ilan sa mga ito ang bakunado at mga hindi bakunado, na bahagi dapat ito ng pag-aaral na ipinapakita ng mga kinauukulan at hindi ang pamumuwersa ang ginagawa.
Maige pa ang MANDALUYONG CITY ay may ulat sila tulad ng kanilang January 3, 2022 na ang mga nagka-COVID sa araw na iyon ay NOT VACCINATED-9 at FULLY VACCINATED -58.., yun nga lang, makikita sa ulat na kakaunti lamang sa mga nagka-COVID ang mga hindi bakunado kumpara sa bakunado na 58 ang bilang.., pero, ano ang lohika at laging sinasabi na ang mga hindi bakunado ang nagkakasakit ng COVID? Presto.., para may dahilan na ipuwersang magpabakuna ang lahat ng tao!