Advertisers

Advertisers

Abusadong anak

0 412

Advertisers

LUMAKI si Ferdinand Jr. na nasa kapangyarihan ang amang pangulo na si Ferdinand Sr. Hindi ordinaryong presidente ang ama; siya ay diktador na lubhang makapangyarihan. Dahil nasa kanya ang poder, madaling nakukuha ang bawat nais.

Dahil lumaki sa layaw, hindi maayos ang pananaw sa buhay ni Ferdinand Jr., o BBM. Hindi siya isang tao na may maayos na pananaw sa pananagutan sa buhay. Naging iresponsable at wala masyadong narating sa buhay. Hindi nakapagtapos ng kolehiyo. Hindi siya nagtrabaho maliban sa posisyon siya bilang pulitiko.

Hindi nagtrabaho ng maayos sa buong buhay niya si BBM. Nabuhay sa salapi na ninakaw ng kanyang pamilya noong diktador pa ang kanyang ama. Nabuhay sa karangyaan si BBM at may mga balita na nalulong siya sa ilegal na droga.



Isa ito sa mga dahilan kung bakit hindi dumalo si BBM sa nakatakdang hearing noong Biyernes tungkol sa petisyon na kinakaharap niya sa Comelec. Hinihingi ng hindi kukulangin na walong petisyon na humihingi na madiskuwalipika si BBM dahil nahatulan siya ng hukuman ng tax evasion sa hindi pagbabayad ng buwis. Kahit sa zoom, hindi dumalo si BBM.

Idinahilan ni BBM na maysakit siya. Ngunit walang maiharap ng medical certificate ang panig niya sa Comelec tungkol sa hindi pagdalo sa pulong sa Comelec. Nagalit si Comissioner Rowena Guanzon dahil sa kawalan ng medical certificate ni BBM at siyempre sa kawalan ng responsibilidad ni BBM na tumatakbo bilang pangulo sa Mayo.



May ibinigay si Raissa Robles, isang manunulat, tungkol sa hindi pagdalo ni BBM. Sa isang tweet, sinabi niya: “Another frequent trick the Marcos family uses – announce suddenly a change of lawyers in order to delay proceedings. Maybe to wait out Com. Guanzon’s impending retirement. That is how the Marcises have delayed ill-gotten wealth cases against them for decades. I covered them.”

Alam ng mga Marcos na hindi ordinaryong opisyal ng Comelec si Guanzon. Alam nila na hindi mabibili ang matapang na commissioner. Alam nila na dadaan sila sa butas ng karayom kapag si Guanzon ang kanyang kaharap. Ngunit malapit ng matapos ang termino ni Guanzon. Magreretiro na siya sa Pebrero.



Sagot ni netizen Manny Ilao sa tweet ni Raissa: “The Marcoses have been significantly successful in blocking the recovery of their ill-gotten wealth through delays, bribery and possible return to power. Some of their cases might outlive PCGG. Another good reason we should campaign against Marcos Jr.”

Ayon kay Hannah Barcinas, manananggol ni BBM, hindi dumalo si BBM dahil isolated siya dahil nakasalamuha niya ang dalawang tao na positibo sa Covid-19. Hindi makausap kahit sinuman, aniya.

Matindi ang opinyon publiko kontra sa kandidatura ni BBM. Dahil nahatulan siya ng tax evasion ng hukuman, hindi siya marapat humawak ng anumang posisyong publiko. Hindi siya kuwalipikado.

***

Bagaman nangunguna si BBM sa mga survey, itinuturing ng mga pantas sa pulitika na hindi ito solido. Malambot at madaling basagin, anila. Hindi malayo na abutin niya ang kaparehong kapalaran ni Jojo Binay na nanguna sa mga survey, ngunit natabunan pagdating ng halalan.

Malakas ang pagsulong ng kandidatura ni Leni Robredo dahil sa kanyang pagiging responsable at malakas ang loob. Hindi niya kinatakutan si BBM dahil minsan na niya itong tinalo. Hindi kilala si Leni noong 2016 ngunit ginapi niya si BBM.

Hanggang ngayon hindi matanggap na mga Marcos na inilampaso sila ng isang hindi kilalang pulitiko. May mga balita na umuupa sila ng mga troll sa loob at labas ng bansa na walang ginawa kundi siraan si Leni. Ngunit madaling nasasagot ang mga kanilang kasinungalingan.

***

May pahayag ang Akbayan Party List. Pakibasa:

AKBAYAN CONFIDENT OF DQ CASE VS BBM, HAILS PUBLIC VIGILANCE

‘We are proud of the public’s vigilance, and these proceedings will hold Marcos accountable.’

These were the sentiments of Akbayan Partylist at the end of the preliminary conference on its petition to disqualify the candidacy of Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. The proceedings were held Friday, January 7, at the main office of the Commission on Elections (COMELEC) in Intramuros, Manila.

Akbayan’s petition argues that Marcos should be disqualified from this year’s elections because he was convicted of failing to file his income tax returns from 1982 to 1985. A conviction carries the accessory penalty of perpetual disqualification from holding public office. The Quezon City Regional Trial Court (RTC) found Marcos guilty of tax evasion beyond reasonable doubt in July 1995.

“Our petition is about the truth, and Mr. Marcos’ accountability for failing to follow the law. We bring a strong case and the evidence will show that Marcos’ unfitness for public office will eventually come to light. We thank Commissioner Guanzon and the rest of the COMELEC for the way they handled today’s proceedings,” said Akbayan’s First Nominee Percival Cendaña.

In a COMELEC preliminary conference on Friday, Akbayan’s case was represented by Akbayan Youth Chairperson and its Second Nominee Dr. RJ Naguit, and Atty. Anthony Salvador.

Marcos Jr. did not appear in the preliminary conference, and the start of the hearing was delayed because his camp could not properly produce a medical certificate to justify his absence.

“Patuloy na binabalewala ni BBM ang batas natin at sinasayang ang oras ng COMELEC. Pag absent ka sa school o sa work kailangan ng med cert, sa hearing pa kaya. BBM should be reminded that no one is above the law,” Cendana replied.

“Tungkulin natin sa demokrasya at sa bayan ang ipagtanggol ang katotohanan. Bilang tugon sa hamong ito, tumitindig kami ngayong araw. Bago natin ihahalal ang susunod na Presidente ng bansa, dapat nilang patunayan na karapat-dapat silang pagkatiwalaan. Umpisa pa lamang ito ng isang mahalagang proseso, prosesong magpapakita na walang karapatang tumakbo sa Pagkapangulo si Bongbong Marcos, ” Cendaña added.

***

MGA PILING SALITA: ” Funny that someone blamed Netflix for Philippine Cinema’s death, when the fact is it has actually committed suicide. Slapstick comedies, boring crime stories, and lousy love narratives were but attributes to its demise. Filipinos realized they’re already wiser than that. Thus the end of it.” – Jed Q. Cepe, netizen

“Just a thought. You look at Chel Diokno, his academic background and accomplishments, his wisdom. And then you look at Tulfo and Padilla. Then you see how they are positioned in the surveys. And you now understand why the country is continually f*cked.” – Bart Guingona, netizen, stage actor