Advertisers

Advertisers

ONSE SA DISINUEBE TULDOK SA TOBOSO

0 6

Advertisers

LUMABAS ang katotohanan sa enkwentro sa Toboso, Negros Occidental nang sabihin ng ating mga awtoridad na labing-isa sa labing-siyam na napatay ay pawang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) na nagpositive din sa powder burns o’ nangangahulugan na nagpaputok ng kanilang mga baril.

Di man, nagpositive ang iba, sinasabi ng mga forensic experts na isang araw na ang nakalipas nang natagpuan ang ibang mga bangkay ng NPA members, at maaari daw na kontaminado na ang mga katawan nito ng maraming bagay, gaya ng tubig dagat.

Bukod pa sa mga findings na iyan, iniuulat din ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng Philippine National Police (PNP), mahigit sa dalawampung matataas na kalibre ng mga baril, at iba pang mga kagamitan ang kanilang narekober sa pinangyarihan ng enkwentro.

Ang mga findings na ito ang tumutuldok sa mga naglalabasang paratang na mga sibilyan at mga napatay sa Toboso encounter.

Ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) nga ay pinabubulaanan din ang mga tangka ng ibang sektor na sibilyan daw ang mga napaslang.

Sa isang press conference, nagsama-sama ang mga government officials upang ipresenta ang mga forensic findings, crime scene evidence, recovered firearms, operational reports at mismong pag-amin ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) na bumasag sa mismo nilang paratang na mga sibilyan ang mga napaslang.

“This was a legitimate armed engagement. Facts, evidence, and forensic science overwhelmingly support that conclusion,” ang sabi nga ni NTF-ELCAC Executive Director Ernesto C. Torres Jr. sa press conference na iyon.

Sa ayan ha, may mga patunay na, na ang mga napatay sa Toboso encounter ay “HINDI” mga sibilyan, kung di talagang mga miyembro ng NPA.

Maniniwala ba kayong sibilyan ang mga napaslang kung noong natagpuan ang kanilang mga bangkay ay may mga hawak na baril? Niloloko tayo nitong CPP-NPA-NDF, pilit pinipihit ang katotohanan, para mapagtakpan ang kanilang kalokohan.

May mga mambabatas pa silang nalilinlang din, o’ talagang mga kaalyado nila ito, dahil imbes na kundinahin ang karahasan ng CPP-NPA-NDF ay ipinagtatanggol pa nila ang mga ito.

Sa susunod ko na lang sila papangalanan.