Advertisers

Advertisers

Bong Go sa ospital, testing centers: Presyo ng RT-PCR testing, ‘wag abusuhin

0 556

Advertisers

Pinaalalahanan ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga ospital, laboratoryo, testing center at iba pang pasilidad sa kalusugan na sundin ang price cap para sa COVID-19 Reverse Transcription-Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) testing na ipinataw ng Department of Health at Department of Trade and Industry upang maging abot-kaya ito ng publiko sa isang patas na presyo.

“Pinapaalalahanan po natin ang mga hospital, laboratories, testing centers at iba pang health facilities na sumunod sa itinakdang price cap para sa RT-PCR testing at kung eligible po na ma-cover ng PhilHealth, dapat makapag-avail sila ng PhilHealth benefits,” sabi ni Go.

Sinabi ni Go na dapat tulungan ang ating mga kababayang naghihirap at huwag silang abusuhin o pasamantalahan.



“Dapat maayos, tutukan palagi at panatilihing abot-kaya ang testing sa bansa upang masiguro ang availability, affordability at accessibility nito,” ani Go.

Sinabi ng senador na ang pagsusuri sa COVID-19 ay isang kinakailangan para sa mga pasyente, malapit na kontak at mga umuuwi na overseas Filipino, bukod sa iba pa.



Dahil dito, sinabi niya na ang testing ay naging isang pangunahing kalakal at mahalagang bahagi sa mga pagsisikap sa pagbawi ng bansa.

“Dahil sa testing, nalalaman natin kung sino ang dapat i-isolate o nararapat bigyan ng karampatang medikal na atensyon. Mahalaga ito dahil hindi natin nakikita ang kalaban,” idiniin ni Go.



Pinaalalahanan din niya ang publiko na ang Philippine Health Insurance Corporation ay mayroong benefit package rates para sa COVID-19 RT-PCR testing. Ang mga benepisyo sa testing na ito ay maaaring ma-avail ng mga malalapit na contact ng mga may kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa mga laboratoryo na accredited ng PhilHealth.

Hinimok naman ng senador ang DOH at DTI na tugisin ang mga lalabag at parusahan para mapigilan ang overpricing. Naniniwala siya na ito ay magiging kapaki-pakinabang sa pagprotekta sa mga Pilipino mula sa mga mandaragit na ito.

“Those who would take advantage of others’ pain and profit from it must be punished. Hindi tama na makita pa natin ang mga kababayan nating naghihirap dahil sa kasalukuyang pandemya. Huwag na nating dagdagan ang pasanin ng mga Pilipino,” ani Go.

Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order No. 118 noong 2020, na nag-uutos sa DOH at DTI na bumuo at magpatupad ng price cap sa RT-PCR. Alinsunod dito, ang DOH at DTI ay naglabas ng kanilang Joint Administrative Order (JAO) 2020-01 na nagtatakda ng mga patnubay para sa pagpapatupad ng EO at tinutukoy ang mga mekanismo para sa pagsusuri ng hanay ng presyo, pagpapatupad, at pagsubaybay sa pagsunod.

Higit pa rito, hinimok ng senador ang DOH at DTI na regular na suriin ang price cap upang matiyak na ito ay mananatiling patas at makatwiran.