Advertisers
NILINAW ni DOJ Secretary Eric Vida na hiwalay ang ginagawang pagsusuri ng Department of Justice (DOJ) sa reklamong inciting to sedition at grave threats na isinampa sa kanila laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Vida, kung saan wala pa aniyang panibagong update kaugnay sa naturang reklamo.
Dagdag ng kalihim, nagpapatuloy pa ang pagsusuri ng Justice Department sa draft resolution sa reklamo laban sa Pangalawang Pangulo.
Noong nakaraang taon nang ihain ng National Bureau of Investigation (NBI) ang reklamo matapos ang pagbabanta kina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez.
Ang naturang pagbabanta rin ang batayan ng isa sa articles of impeachment na kasalukuyang dinirinig ng Senate impeachment court.