Advertisers
MULING nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng record high sa bilang ng bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Batay sa latest case bulletin na inilabas ng DOH nitong Lunes, Enero 10, pumalo sa 33,169 ang bilang ng bagong kaso kung saan karamihan ay naitala sa National Capital Region (NCR) na umabot sa 18,535.
Samantala ay mayroon namang naitalang 3,725 na gumaling at 145 na pumanaw.
Ang mga naitalang COVID deaths ay nangyari pa mula Enero hanggang Nobyembre 2021 dahil sa late encoding ng death information sa COVIDKaya.
Ang nasabing bilang ng naitalang pumanaw ay mula Region 11.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.3% (157,526) ang aktibong kaso, 93.0% (2,788,711) na ang gumaling, at 1.74% (52,293) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong January 8, 2022 habang mayroong 10 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 10 labs na ito ay humigit kumulang 6.2% sa lahat ng samples na naitest at 6.3% sa lahat ng positibong mga indibidwal. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)