Advertisers
NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 28,007 bagong kaso ng COVID-19 nitong Martes, Enero 11.
Batay sa case bulletin #668 na inisyu ng DOH, nabatid na umaabot na ngayon sa 3,026,473 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas.
Sa naturang bilang, 6.0% pa o 181,016 ang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman.
Sa mga aktibong kaso, 170,873 ang mild cases; 5,521 ang asymptomatic; 2,863 ang moderate cases; 1,464 ang severe cases; at 295 ang kritikal.
Nakapagtala rin naman ang DOH ng 4,471 bagong gumaling sa sakit, sanhi upang umabot na sa 2,792,946 ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 92.3% ng total cases.
Nasa 219 naman ang iniulat na namatay sa karamdaman nitong Martes.
Sa ngayon, ang Pilipinas ay nakapagtala na ng 52,511 total COVID-19 deaths o 1.74% ng total cases. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)