Advertisers

Advertisers

Dagdag na termino sa Presidente?

0 472

Advertisers

IBANG klase itong si Pampanga Congressman Aurelio Gonzales, Jr., kaalyado ni Pangulong Rody Duterte.

Nagmungkahi si Gonzales na pahabain ang termino ng presidente at iba pang halal na opisyal. Gawin daw na limang taon at may isang reelection. Bale 10 years! Araguyyy!!!

Ang kasalukuyang termino ng Presidente ay 6 years at walang reelection.



Sa Resolution ng Both Houses No. 7, gusto ni Gonzales na ang Senate at House of Representatives ay mag-convene ng constitutional assembly para amyendahan ang ilang political provisions sa 1987 Constitution.

Ang Bise Presidente ay gagawin ding 5 years at may isang reelection. At dapat ang boto sa presidente ay boto rin ng Bise Presidente. Yawa!



Ang mungkahing ito ni Gonzales ay katulad ng sa Amerika na may reelection ang Presidente at Bise pero tig-4 years lang. At ang boto sa Presidente ay boto rin ng Bise. Mga Kano yun, iba ang mga Pinoy!

Okay ang proposal na ito ni Gonzales… para sa matino na presidente. Deserved nitong ma-reelect kahit ilang beses pa.



Paano kung ang presidente ay loko-loko, sinungaling, bully, bastos at pinoproteksiyunan ang mga magnanakaw na kaalyado? Aba’y kawawa ang bansa. Magdurusa ang mamamayan ng pagkatagal-tagal. Peste!

Kaya hindi po tayo sang-ayon sa mungkahing ito ni Gonzales Jr. Isa itong kahangalan!!!

Anyway, hindi na bago itong mapangahas na aksyon ni Gonzales. Matagal nang isinusulong ito ng mga nakaraang administrasyon, yung mga ayaw umalis sa puwesto. Yes!

Noong panahon ni Gloria Macapagal-Arroyo, kababayan ni Ginzales, sinubukan naring isulong ito ng mga bata ni GMA. Pero hindi umobra, binasura ng mamamayan!

Maganda nito sa darating na halalan ay ibasura na ng mga Kapampangan itong si Gonzales. Mismo!

***

Pinabulaanan ng Comission on Election ang balitang napasok ng hackers ang kanilang computer system.

Sabi ni ComElec spokesman James Jimenez, hindi totoo ang naiulat ng Manila Bulletin. Wala raw ganun sa kanilang system. Hindi raw totoo na nanakaw ng hackers ang files kasama na ang usernames at PINS ng vote counting machines (VCM).

Gayunpaman, iniimbestigahan nila ang naiulat na ito ng nasabing pahayagan. Dapat lang talaga busisiing maige ito,totoo man o hindi. Dahil nakakatakot ito kung may katotohanan.

Oo! Mantakin mo kung ito ay may katotohanan walang kapana-panalo ang isang kandidato kahit gaano pa siya kalakas sa mga survey ‘pag pinag-initan siya ng hackers.

At maari itong pagkakakuwartahan ng limpak-limpak ng hackers. Alam nyo na iyon…ang may pera ang mangingibabaw.

Hindi naman kasi imposible na mangyari ito dahil sa mga modernong gadgets ngayon. Ultimo nga bank accounts ay nananakaw ng hackers. Mismo!

***

Kontra ang Metro Manila mayors na iakyat sa Alert Level 4 ang NCR dahil sa paglobo ng Covid cases.

Kasi nga ang Alert Level 4 ay lockdown. Wala nang pambigay ng ayuda at hindi narin sila makapangampanya. Yun na nga!