Advertisers

Advertisers

Andrea at Francine nasira ang friendship dahil sa lalaki

0 232

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

SA panayam kay Andrea Brillantes kamakailan ng King of Talk na si Boy Abunda, sinabi nito na may pag-uusap at commitment na sila ng ka-loveteam sa Kadenang Ginto na si Seth Fedelin.

At ipinagdiinan pa ng batang aktres na ang commitment ay para sa isa lang at di puwedeng dalawa ang commitment.



Tila nagkakatampuhan sa ngayon ang magkaibigan na sina Francine Diaz at Andrea dahil sa nakitang post nitong huli na ang kanyang ka-loveteam at si Francine ay magkasama sa isang family pic.

Ang tinutukoy na family pic na kasama ang ka-loveteam ni Andrea na si Seth ay ang family ni Francine kung saan doon ito nag-New Year.



May emote at drama pa si Andrea sa kanyang socmed habang sinasabayan ang kanta ni Selina Gomez na Lose You To Love Me.

May umepal naman na basher na tigilan na nga raw ni Andrea ang drama na niresbakan naman ng batang aktres.



Marami namang nabghihinayang sa nabuong friendship nina Andrea at Francine sa seryeng Kadenang Ginto.

Na nasira lang at nauwi sa di pagkakamabutihan ng dalawa ng dahil sa lalake.

Para raw part 2 to ng naganap dati na pagkasira ng friendship nina Kim Chiu at Maja Salvador dahil kay Gerald Anderson.

***

Bianca at Ruru, ipantatapat sa LizQuen

GINU-groom na nga raw ang dalawang Kapuso stars na sina Bianca Umali at Ruru Madrid sa LizQuen.

Sa bago raw project na pinagsamahan ng dalawa ay lutang daw ang galing ng dalawa sa aktingan sa Halfworld.

Hindi man nagtagumpay ang loveteam ng Bianca at Miguel Tanfelix ay tila nakitaan ng kanilang home network na gawin loveteam ang dalawa.

Ubra pa ba at tila nasayang ang panahon nung i-loveteam si Bianca kay Miguel.

Pero huwag nga raw mangamba ang mga followers at baka umubra pa ang Bianca-Ruru loveteam.

Itong dalawa nga raw ang posibleng pantapat sa loveteam nina Liza Soberano at Enrique Gil or LizQuen.

Posible pa nga raw mabura ang lahat ng loveteam sa bagong tambalan nina Bianca at Ruru.

At take note, daming projects ng dalawa na gagawin at nagawa na.

Talaga ba, tignan natin at baka sakaling makatisod.

Hmmmp!?

Well, well, well…

‘Yun na!