Advertisers
KUMBAGA sa larangan ng basketball, bago pa lang maglaro ay nambu-bully na ang maangas na yellowteam para ma-intimidate ang crowd favorite na uniteam na nakapokus lang sa nakatakdang game para mabigyan ng makabuluhang laban ang kanilang die- hard fans pati na sa iilang kontra sa idol ng masang koponan .
Kaya sa first quarter pa lang ay masyadong pisikal na ang inilatag na gameplan ng magulang na kalaban pero dahil sa sariling kakayahang patas ,karanasan at husay ay tinatambakan na ng uniteam ang dilawangpink na may ‘mai-team’ na balak.
May mga flagrant foul pa silang ginagawa sa kunsinte ng kanilang coach pero sa halip ay free shots at ball possesion pa ang gawad sa liyamadong uniteam upang lalong lumaki ang kalamangan going to halftime break.
Sa dugout ay back to drawing board ang switikteam na suportado na ng mga lords at umiimport pa ng kampi mula kay Uncle Sam at media pati unholy alliance sa pulahan.
Sa ano mang paraan basta manalo lang.
Pero dahil sa kagulangan ng team pinklawan,diskaril ang kanilang mission impossible kahit na mambalya maniko,manuhod at manahod para mapilayan at talunin by hook or by crook ang crowd darling na kalaban na lalo namang humuhusay at tumataas ang adrenaline dahil sa nakatutulig na sigawan na tsini-cheer ang uniteam tungo sa kumbinsidong panalo habang ang maruming maglarong oposisyon ay deretso sa inedoro ng depresyon kaya goodbye na sa salot na koponang isinuka ng taumbayan.
Kaya hindi nakapagtataka kung bakit namamayagpag sina presidentiable Bongbong Marcos at vice presidentiable Sara Duterte.
Kahit anong dumi at kaswitikan ang ginagawang paninira ng kalaban at kahit na magkampihan pa lahat ng ayaw makabalik sa Malacanang ang batang Marcos ay lalo lang nangingibabaw ang BBM- SARA sa pulso ng masa. Kaya nga di na kaya pang tibagin ang uniteam kahit gaano kagalawgaw ang dilaw,switik na pink,katerroran ng pulahan,dasal ng parimonyo, tuso ng oligarko at kiling ng ‘mainstream’ media sa bayan ni Juan… ABANGAN!
Lowcut: Shoutout kay ka- bukluran director Robert Gustilo ng Region 6 mula kay Buklod Bayang Magilas( BBM) Pilipinas president Rafael Tolentino. Kudos to vice president Shaocai Yang,sec.Gilas Simon,treasurer Teresita Chee at directors Danilo Amos,Jessielyn Fernando,Melchor Reyes,Arex Anza,Enrique Gavilino at Joel Perpetua.Kabuklod din sing adviser Ronnie Palomares at national adviser Zeus Gonzales at todo suportado ng PINOLILINO at Perpetua International Holding,Inc.
Ang noble group for a cause ay kaisa sa makabayan at makataong plataporma ng frontrunner na BBM – SARA uniteam para sa sa darating ng May 2022 national election.Mabuhay ang Buklod Bayang Magilas(BBM) Pilipinas!