Advertisers
NAGPASYA ang organizer ng multi- stage cycling race GO Philippines Tour 2022 na ipagpaliban ang kanilang debut edition dahil sa pandemic.
Sa kanilang paskil sa tours Facebook page Biyernes ng gabi,Inurong ng organizers ang Feb. 16 to March 6 race to June 1 to 19 “in serious consideration of the public health risks and conditions brought about by the COVID-19.”
Sinabi ng Race organizers na nakipag-ugnayan na sila sa GAB,,PhilCycling, participating teams at local government units na kasangkot sa kanilang desisyon.
Nagpasya rin ang organizers na kanselahin ang Visayas at Mindanao stages dahil sa bunga ng bagyong Odette, pero mananateli ang karera sa 2,400 kilometers spanning 16 stages sa boung Luzon na magsimula sa Legazpi city, Albay at magtatapos Baguio City.
“We seek everyone’s understanding and we hope that the situation in our country improves so that we may be able to safely conduct an arduous race like this,” ayon sa kanilang pahayag.
Layunin ng karera na muling buksan ang sports tourism sa bansa na sinalanta ng pandemic.