Advertisers

Advertisers

Pauleen triple ang pag-iingat sa Covid-19 at takot mahawa ang pamilya kay Mayor Vico

0 218

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

DAHIL wala man lang nakitang post sa isa’t isa sina Barbie Imperial at Diego Loyzaga lalo na nung nakaraang holidays, wala man lang daw pagbati sa isa’t isa kahit malayo sa isa’t isa.

Nasa ibang bansa kasi si Diego kasama ang kaanak at ipinakita naman nito sa post ang mga lugar na magkakasama sila ng kanyang kaanak.



Kahit ang paglibot sa ibat ibang lugar ay nakita rin ng netizens ang post ng dyunakis nina Teresa Loyzaga at ex nito na ama ni Diego na si Cesar Montano.

Ipinakita rin na si Diego na nagmamaneho ng sasakyan habang naglilibot sila.



Si Barbie ay naging busy naman sa kanyang pagiging mahilig sa sports.

Kaya nga takang-taka ang netizens at may mga nagdududa na baka nga raw hiwalay na ang dalawa.



Puwede naman daw na mag video call sila kahit malayo sa isa’t isa pero wala ni isa man sa kanila ang nag-post na nagtatawagan sila tru video.

Sa pagbabalik nga ni Diego kasama ang kaanak mula sa ibang bansa ay magkakaalaman ang real score nina Barbie at anak ni Buboy.

Hmmmp!?

***

KUNG ang iba nga raw ay doble ang pag -iingat na ginagawa laban sa Covid-19 ibahin daw si Pauleen Luna.

Tripleng pag-iingat naman ang ginagawa nito.

As in, di ito lumalabas ng bahay kahit gusto na nitong lumabas.

Inaalala nito ay ang proteksyon ng kanilang anak na si Vic Sotto na si Talitha.

Hindi pa nga raw ito bakunado kaya kailangan ang tripleng pag-iingat.

At lalo pa at nagka-Covid ang anak ni Vic na si Mayor Vico Sotto.

Kahit gusto man nila dalawin ang Alkalde ay di naman ubra dahil sa lumalalang sitwasyon ng kaso ng Covid-19.

Always naman daw mino-monitor ni Vic ang anak para sa kondisyon nito.

Kaya ganun na lang ang pag-iingat ni Pauleen na huwag lumabas ng bahay.

Dahil nga sa anak nila na si Tali at kahit nasa bahay ay sinusunod pa rin nila ang safety protocols.

Well, well, well…’Yun na!