Advertisers
Sisimulan na sa Miyerkoles, Enero 19 ang vaccination ng mga menor de edad at elderly sa Manila Zoo.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, bubuksan ang Manila Zoo para sa first dose vaccination ng edad 12 hanggang 17 taong gulang ganap na 8:00 ng umaga hanggang 8:00 ng gabi.
Bukod sa mga minors, maari ding makapagpabakuna ang mga elderly partikular ang mga kasama ng mga menor de edad gaya ng guardian at magulang ng kanilang second dose o kaya booster dose.
Hindi naman papayagan ang ‘walk in ‘ sa zoo pero maaring magrehistro sa www.manilazoo.ph para makakuha ng QR code para sa kanilang pagpasok sa zoo.
Ngunit nilinaw ni Domagoso na kailangan pa rin magparehistro rin sa manilacovid19vacvine.ph ang mga first dose recipient.
Sinabi ni Domagoso na lilimitahan lamang ang maaring i-accomodate ng hanggang 1,000 indibidwal upang hindi dumagsa ang mga magpapabakuna.
Napili aniya ng alkalde ang Manila Zoo na vaccination sites para sa mga minors at elderly upang makapamasyal mga bata at mga lola, makalanghap ng sariwang hangin, makapamasyal at makapagsama-sama ang bawat pamilya nang walang gastos sa entrance.
Ayon sa presidential aspirant, ang pagbubukas ng vaccination bukas, hudyat na rin ng unti-unting “opening” ng zoo bilang isang pasyalan .(Jocelyn Domenden)